Kitkat bilang padede mom: No tulog, no ligo, cracked, bleeding nipples…but will never trade this for anything else!
SA kabila ng mga nararanasang hirap at pagod, enjoy na enjoy pa rin ang first-time mom na si Kitkat sa pag-aalaga sa kanyang bagong silang na anak.
Isang linggo makalipas ang araw nang isilang ng komedyana ang panganay na si Baby Girl Uno Asher, napatunayan ni Kitkat na hindi pala talaga biro ang pagiging nanay.
Ipinanganak ng actress-singer ang baby nila ni Walby Fabia nitong nagdaang August 2 at agad nga niyang ipinakita sa madlang pipol ang itsura ng sanggol sa pamamagitan ng social media.
Sa kanyang Facebook at Instagram account, nagbahagi si Kitkat ng ilang detalye tungkol sa mga naging experience niya sa isang linggong pag-aalaga niya kay Baby Uno.
Makikita sa mga litrato na ipinost niya sa IG ang pagpapadede niya sa anak. Aniya sa caption, “1 week after giving birth.
View this post on Instagram
“No tulog, no ligo, sore, cracked, bleeding nipples… but will never trade this for anything else. I’m at my happiest serving and loving my pretty little baby. #Complete #happybreastfeedingweek #breastfeedingjourney #PadedeMom,” pahayag pa niya.
Nauna rito, ibinalita rin niya na nakauwi na nga sila ng kanyang baby mula sa ospital, “Welcome Home my Love …walang humpay ang iyak ko grabe ang saya ng puso ko! Habang buhay akong magiging grateful at binigyan ako ng ganito kalaking biyaya from Papa God.
“Ladies and Chenemen, My First Born. Baby Girl Uno Asher Favia. O, e try ko din pahinga masakit tahi hahaha!” aniya pa.
Narito naman ang ilang comments ng netizens sa socmed post ng komedyana.
“Ang cute ganyan talaga ang Mommy , pero grabe pag full na ang breast sakit, tapos suck nya ng matindi .hahahaa lalo pag lumaki laki pa sya may kagat pa yan.Enjoy your motherhood.”
“Of all the breastfeeding mom and after giving birth, your so fresh and blooming po Ms. KitKat. Congratulations po and to your whole family for the wonderful blessing you’ve received. Take care always po.”
“Absolutely precious! Super healthy si cutie baby kc ang milk ni mommy ay the best.”
“Congrats Miss Kat and enjoy breastfeeding. Sarap po sa pakiramdam ng ganyan. Ako nun sa bunso ko 14 months ko siya breastfeed. Feeling ko tlga nag eextend ako ng buhay nya, giving enough food. from my body.”
https://bandera.inquirer.net/299430/kitkat-hindi-mapapatawad-si-janno-wala-sa-bokabularyo-ko-na-bibigyan-ng-chance-yung-isang-taong-ganyan
“Di ka nag iisa @lenzlouvelle. Proud momma!”
https://bandera.inquirer.net/282254/kitkat-bagay-maging-co-host-sa-its-showtime
https://bandera.inquirer.net/320735/kitkat-pinaayos-ang-kilay-at-lashes-bago-manganak-pak-siyempre-full-smile-rin-para-walang-panget-moment-sa-pictures
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.