Kris desperada sa paghahanap ng yaya, humingi ng saklolo

Kris desperada sa paghahanap ng yaya, humingi ng saklolo sa mga kaibigan

Ervin Santiago |March 20,2024
facebook
share this

Kris desperada sa paghahanap ng yaya, humingi ng saklolo sa mga kaibigan

Ervin Santiago - March 20, 2024 - 09:20 AM

Kris desperada sa paghahanap ng yaya, humingi ng saklolo sa mga kaibigan

Kris Bernal at Baby Hailee

KAHIT super busy sa kanyang mommy at wifey duties ay nagagawa pa rin ng aktres na si Kris Bernal ang mag-ayos at maglinis ng bahay.

Kaya naman talagang may mga pagkakataon na pagod na pagod siya sa isang araw na pagiging ilaw ng tahanan, idagdag pa ang pag-aasikaso sa kanyang mga negosyo.

Hanggang ngayon kasi ay wala pang nakikitang yaya si Kris para makatuwang sa pag-aalaga sa anak nila ni Perry Choi na si Baby Hailee Lucca.

Sa kanyang Instagram account, na-share ang Kapuso star ng isang selfie photo sa Instagram Story kung saan makikitang tila super tired at puyat-puyatan ang peg habang karga ang kanyang anak.

Baka Bet Mo: Janine Gutierrez pumasok sa showbiz para maipagamot ang yaya: She’s a cancer survivor at second mommy ko na talaga siya’

“No yaya = no tulog,” ang nakalagay sa caption ng post ni Kris.

“SEND HELP! Looking for yaya! Send me a DM! Referrals only from fam/friends!” hirit pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Nauna rito, itinuturing din ni Kris na mga “superhero” ang mga mommy na patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak at sa buong pamilya.

Sa gitna ng selebrasyon ng International Women’s Month ngayong March, nagbahagi si Kris sa social media ng isang video na may kaugnayan sa kanyang pagiging proud “padede mom.”

Ibinandera ng Kapuso actress at celebrity mommy sa buong universe na biniyayaan siya ng napakaraming supply ng breast milk.

Sa ipinost niyang video sa Instagram, makikita nga ang paglalagay niya ng freshly expressed breast milk sa loob ng refrigerator na kanya namang idino-donate para sa mga kapwa nanay na nagpapadede ng kanilang mga anak.

Baka Bet Mo: Kris Bernal ibinahagi ang struggle bilang first time mom: I’m blessed with an oversupply of breast milk but…

Naloloka lang ang aktres dahil medyo choosy daw si Hailee Lucca, pagdating sa pag-inom ng gatas.

Hirit ni Kris, “POV: A mom who collects every single drop of milk possible just to find her baby refuses it thawed and exclusively wants it always fresh. So, she just donates them!”

Nagpapasalamat din ang first-time nanay dahil nakakapag-produce nga siya ng maraming breast milk, na marami na ring natulungang mga baby.

“I haven’t talked about it but God truly blessed me with an oversupply.

“And, He even blessed me more by how I am able to donate to precious NICU babies or preemies and other moms who haven’t been able to do the same,” sabi pa ni Kris.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Naikuwento rin niya ang isang nanay na nagngangalang Liza Ibarle, isa sa mga  regular recipient ng kanyang gatas. Na-diagnose si Liza ng breast cancer at sumailalim na rin mastectomy surgery noong nagdadalang-tao siya.

Sabi ni Kris, “Due to her chemotherapies, she cannot breastfeed.

“Her strong, healthy, normal miracle baby is named after the patron of people with cancer, Saint Ezekiel Moreno,” aniya.

Sa huling bahagi ng kanyang IG post, sinabi nga ng aktres na napakaraming pwedeng gawin ng mga nanay na maaaring makatulong din sa mga struggling mothers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I believe not all superheroes wear capes. I make milk, I save lives. It’s my superpower, eyyy?! (emojis),” ang hirit pa ni Kris Bernal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending