Hugot ni John Prats: Pumasok ako sa ‘Probinsyano’ wala pa akong anak, tapos ngayon 3 na sila
HANGGANG ngayon ay parang hindi pa rin naniniwala sina John Prats at Michael de Mesa na magtatapos na ang Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Todo ang pasasalamat ng dalawang aktor sa ABS-CBN at sa lead star ng programa na si Coco Martin dahil talagang umabot sila hanggang sa ending.
Sa huling linggo ng “Probinsyano” ibinahagi nina Michael at John ang kanilang kuwentong “Probinsyano” sa isang video ng Dreamscape Entertainment, ang producer ng serye na pitong taong namayagpag sa ere.
“I don’t think magiging part pa ako ng ganitong klaseng show ulit. These types of shows, ito ‘yung mga once-in-a-lifetime na opportunity.
“Nu’ng kinontak ako rito, dapat three days. ‘Yung three days ko naging six years,” kuwento ni Michael na nakilala sa kanyang karakter bilang si Manager.
Para naman kay John, “Sobrang privilege kasi pagpasok ko sa ‘Ang Probinsytano,’ grabe pala ‘yung purpose, grabe ‘yung calling ng bawat artista, staff, crew, directors.
“Pumasok ako sa ‘Ang Probinsyano,’ wala pa akong anak, tapos ngayon tatlo na ang anak ko. Dumating din ‘yung calling na magdirek ako sa ‘Ang Probinsyano,'” aniya pa na gumaganap sa karakter ni Jerome, isa sa miyembro ng Task Force Agila.
View this post on Instagram
Tulad ng iba pang cast members ng serye, walang masasabing negatibo o masama ang dalawang aktor kay Coco bilang kapitan ng “Probinsyano.”
“If I were to describe him in one word — brilliant. Ngayon ko lang na-experience ang isang taong ganyan…arista, direktor, creative. That’s why we are still here seven years,” papuri ng veteran actor sa tinaguriang Teleserye King.
Dagdag naman ni John Prats, “‘Yung passion niya rito grabe hindi matatawaran. Siguro ‘yun din ‘yung na-inject niya sa mga kasamahan din namin na kung paano mahalin itong ‘Ang Probinsyano.'”
At para nga sa inaabangang “pambansang pagtatapos,” narito ang mensahe nina Michael at John sa madlang pipo.
“Everything that ends is not really a goodbye but a pause,” sey ni Michael.
Chika naman ni John, “Nandoon ako sa spiels ni Coco na sinasabi niya ‘yung huling tatlong linggo’. Pero nu’ng umere na siya, totoo na talaga siya. Kaya every moment lagi naming chini-cherish.
“Mahirap, masaya, iba-ibang emotion, pero iisa ang hangarin na mabigyan ang bawat Pilipino ng ending na deserve nila,” sabi pa ng mister ng aktres na si Isabel Oli.
Tutukan ang huling linggo ng “Probinsyano” sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN. At pagsapit naman ng August 15, mapapanood na ang muling paglipad ni Darna.
https://bandera.inquirer.net/297327/john-prats-direktor-na-sa-ang-probinsyano-di-na-tutuloy-sa-its-showtime
https://bandera.inquirer.net/289744/john-prats-certified-superhero-dad-hindi-pa-papatayin-sa-probinsyano
https://bandera.inquirer.net/297550/kuya-kim-nag-comment-sa-post-ni-camille-may-patutsada-kaya-sa-its-showtime
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.