Sean de Guzman, Cloe Barretto wala nang malisya sa isa't isa: Trabaho lang po Bandera

Sean de Guzman, Cloe Barretto wala nang malisya sa isa’t isa: Trabaho lang po

Reggee Bonoan |August 06,2022
share this

Sean de Guzman, Cloe Barretto wala nang malisya sa isa’t isa: Trabaho lang po

Reggee Bonoan August 06, 2022 - 08:14 PM

Sean De Guzman, Cloe Barretto wala nang malisya sa isa't isa: Trabaho lang po

KUNG ia-analisa ang kuwento ng sexy film na “The Influencer” nina Sean de Guzman at Cloe Barretto ay totoong nangyayari ito lalo na kapag sikat ay maraming stalker at kung type ito ng ini-stalk ay may mauuwi ito sa kama.

Hindi naman bago na ito sa industriya dahil nangyayari rin ito sa mga artistang hindi naman magkaka-relasyon pero kapag type nila ang isa’t isa ay may nangyayari na hindi dapat lalo na kung pareho silang may pananagutan sa buhay.

Ang anak ng producer ng 3:16 Media Network na si Quinn Carillo ang sumulat ng script na gandang-ganda ang direktor na si Luisito Lagdameo Ignacio at unang beses siyang gumawa ng sexy-thriller film.

Sa naunang pelikula ni Quinn na “Tahan” na pareho ng genre ng Influencer ay natanong namin ang mama niyang producer na si Len Carillo kung bakit ganito ang mga kuwentong sinusulat ng anak niya, may back story ba ang dalaga na sa pagsusulat niya ito nailalabas?

“Ay wala namang back story, hilig niya talaga mga ganitong kuwento. Hindi ko nga rin alam, type niya talaga. Pero ‘yung back story or something, wala naman,” sabi ni Ms Len pagkatapos ng advance screening ng “The Influencer” nitong Huwebes.

Hindi nakarating si Quinn dahil maysakit kaya sayang at hindi niya narinig ang magagandang feedback ng media/vloggers na nakapanood.

Hitik na hitik sa sex scenes ang “The Influencer” na dahil baliw na baliw si Cloe kay Sean kaya lahat gagawin at dahil lalaki kaya pinatulad, e, ginalingan niya kaya hindi na siya makalimutan ng dalaga kaya sinundan-sundan na siya at humantong na sa hindi magandang pangyayari.

Delikado ang mga eksena dahil walang saplot ang mga bida pero maingat si direk Louie at inaming iningatan niya ang mga artista niya dahil sa shoot ay sina Sean, Cloe at siya bilang direktor at cameraman na rin ang nasa loob lang ng kuwarto.

“Pagkatapos i-set ang mga ilaw, pinalalabas ko na lahat, kami lang ang nasa kuwarto para walang ibang nakakapanood bilang respeto sa mga artista ko,” katwiran ng direktor.

Inamin nina Sean at Cloe na nagkakitaan na sila at wala ng malisya sa isa’t isa dahil trabaho lang ito at sanay na sila lalo’t magkapatid na ang turingan nila at iisa ang management company nila.

Pero inamin naman nang dalawa na may naramdaman sila habang kinukunan nila ang love scenes dahil lapat na lapat ang mga katawan nila.

Pagkatapos ng screening ay sinimplehan namin ng tanong si Sean kung nade-develop na siya kay Cloe at napangiti, “wala po kapatid ko lang talaga. Trabaho lang.”

Pero inamin niyang, “siyempre po may nararamdaman pero dapat pigilan.”

Si Cloe ay tawa naman ng tawa sa parehong tanong na baka nga may kakaiba na rin siyang pagtingin kay Sean, pero binawi niya dahil lagot daw siya kay Mama Len.

Anyway, gagampanan ni Sean ang karakter na Yexel na kilalang social media influencer na laman ng restobar para maka-pick up ng babae.

Isa nga sa kanila si Cloe as Nina na hindi na siya nakalimutan dahil lagi na siyang sinusundan-sundan kahit saan siya magpunta.

Itinuturing ni Sean na pinaka-daring ang The Influencer sa mga pelikulang nagawa niya.

“Mas daring pa sa daring… malala as in malala talaga…As in ibinigay ko na ang lahat, kasi ang ganda ng istorya eh, kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya,” say nito.

Mapapanood ang “The Influencer” sa Vivamax simula Agosto 12 produced by 3:16 Media Network at Mentorque Productions for Viva Films. Kasama sa pelikula sina Quinn, Karl Aquino, Calvin Reyes at Ms Elizabeth Oropesa.

Related Chika:
Cloe Barreto mapapalaban ng aktingan kina Jaclyn Jose at JC Santos

AJ, Sean hindi na nagtakip ng private parts sa love scenes: Wala na kaming pakialam kung makita!

Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending