AJ, Sean hindi na nagtakip ng private parts sa love scenes: Wala na kaming pakialam kung makita!
AJ Raval at Sean de Guzman
WALA nang hiya-hiya ang mga Viva Artist Agency talents na sina Sean de Guzman at AJ Raval pagdating sa hubaran at paggawa ng mga sex scenes sa bago nilang pelikula.
Inamin nina AJ at Sean sa harap ng entertainment press na hindi na nila tinakpan ang kanilang private parts nang kunan ang mga maiinit nilang eksena sa romantic crime original Vivamax movie na “Hugas”.
Sabi ni AJ sa nakaraang virtual mediacon ng bago nilang pelikula, mas give na give na sila ngayon ni Sean sa kanilang mga intimate scenes kumpara sa past movies nila na “Taya” at “Nerisa.”
Sinang-ayunan naman ito ni Sean, aniya, mas komportable na raw kasi sila ngayon sa isa’t isa kaya mas natural at mas makatotohanan na ang kanilang akting.
At kung dati raw ay gumagamit pa sina Sean at AJ ng plaster para takpan ang kanilang private parts sa kanilang mga love scenes, dito sa “Hugas” ay itinodo na nila ang lahat.
Chika ni Sean, “Hindi na kami naiilang talaga. Wala na talagang ilang. Kung magkakitaan man kami ng kung anu-anong parte ng katawan namin, wala na kaming pakialam.
“Pero maganda naman yung kinalabasan ng lahat. Hindi na po kami nagkakahiyaan. Nagkakakitaan, oo. Pero nagkakahiyaan, hindi.
“Yung na-build naming friendship, kahit sa labas o sa likod ng kamera, sobrang solid namin ni AJ,” aniya pa.
Ang “Hugas” ay idinirek ni Roman Perez, Jr. na siyang magiging pasabog ng Vivamax simula sa Jan. 14, 2022.
Sa kuwento, gaganap si AJ bilang si Liezl, isang probinsiyana na ipinasok ng kanyang tiyuhin (Soliman Cruz) sa isang sindikato na pinamumunuan ni Boss Dencio (Jay Manalo).
Nagagawang maigi ni Liezl ang anumang iutos sa kanya, ngunit nang ikasal siya kay Al (Sean), gusto nang kumawala ni Liezl sa sindikato.
Si Sean nga ay gaganap bilang si Al, isang matalinong hitman. Ito ang dahilan kung bakit siya kinuha ni Boss Dencio. Siya ang inaasahan kung may gustong ipatumba ang sindikato.
Dito nakilala ni Al si Liezl, ngunit hindi ito dahilan upang manatili sila sa sindikato. Gusto na nilang magbagong-buhay at mangyayari lamang ito kung sila’y magpapakalayo.
Bitbit ang malaking halaga ng pera, tumakas ang mag-asawa. Ito na ang simula ng sunud-sunod na komplikasyon dahil hindi sila tatantanan ni Boss Dencio. Kailangang mabawi nito ang pera kahit saan sila makarating.
Kasama rin sa pelikula sina Benj Manalo, Bob Jbeili, Cara Gonzales, at Joko Diaz.
Para mapanood ang “Hugas”, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/291515/aj-raval-sean-de-guzman-walang-inuurungan-palaban-sa-todong-hubaran
https://bandera.inquirer.net/289558/sean-de-guzman-aj-raval-nagbukingan-ng-feelings-sa-presscon-ng-taya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.