Rob Moya 'chain message' lang daw ang pag-amin kay Toni Fowler, nabisto ni Vince Flores Bandera

Rob Moya ‘chain message’ lang daw ang pag-amin kay Toni Fowler, nabisto ni Vince Flores

Therese Arceo |August 04,2022
share this

Rob Moya ‘chain message’ lang daw ang pag-amin kay Toni Fowler, nabisto ni Vince Flores

Therese Arceo August 04, 2022 - 02:10 PM

Rob Moya 'chain message' lang daw ang pag-amin kay Toni Fowler, nabisto ni Vince Flores
USAP-USAPAN ng mga netizens ang bagong ganap sa pagitan ng mga vloggers na sina Toni Fowler, Vince Flores, at Rob Moya.

Trending na naman ang tatlo dahil sa ibinahagi ni Rob sa kanyang Facebook page na screenshot noong nag-message siya kay Toni Fowler.

“Mommy, parang mahal pa yata kita,” message niya sa dating kasintahan.

Nag-reply naman ang account ni Toni na ksalukuyang gamit ng kanyang current boyfriend na si Vince.

“Ano na naman sinasabi mo Kuya Rob? Si Vince ‘to. Tulog na si jowa,” sagot ng vlogger.

Nakaisip naman ng palusot si Rob at nagpanggap na “chain message” ang nauna niyang mensahe sa ex-girlfriend na nauso rin sa Facebook.

“Ipasa sa 25 na katao para swertihin ka! Subukan mo lang wala naman mawawala,” sey niya.

Kaya naman nang ibahagi niya ito sa kanyang Facebook page na may caption na “Huwag nang babalik sa ex… bad yun,” ay marami ang nag-react.

“Bagay kayo ni Vanessa Raval parehas papansin,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Pero parang ang bastos ng dating, ni hindi mo man lang inisip na baka mabasa ni tito Vince yang msg mo kahit sabihin mong biro yan.”

“Kaya ka nababash kasi ikaw din gumagawa ng ikakabash mo umay sayo,” dagdag pa ng isa.

May isa pang Facebook post si Rob kung saan tinawag niyang “mommy” at “asawa” si Toni bagay na si Vince rin ang nakabasa.

Makikitang tila nagbibiruan pa ang dalawa at sinasabihan ang isa’t isa na mag-ingat dahil uso ang sakit at kasalukuyan ngang nagpapagaling si Toni dahil nagkasamit rin ito.

“Ay sensya na ikaw pala ‘yan hehe… ingat kayo dami may sakit ngayon,” sabi ni Rob.

Reply naman ni Vince, “Oo ako ‘to at wala ng iba pa Kuya Rob. Oo nga eh uso talaga sakit ngayon. Ikaw mag-iingat ka Kuya Rob uminom kang vitamins.”

“Sweet mo naman Tito Vince…” reply ulit ni Rob Moya ngunit aliw ang naging banat sa kanya ni Vince.

“Siyempre naman. Kasi maraming may sakit ngayon gagaling sila pero yung ubo mo sa utak hindi na gagaling HAHAHAHAHAHAHA. JOKE LANG KUYA ROB LABYU,” diretso pero pabirong sabi nito.

Noon pa man ay kontrobersyal na sina Rob at Toni dahil sa on and off relationship ng dalawa at bukod pa roon, marami na rin silang naging isyu sa buhay na alam ng madlang pipol dahil naka-broadcast ito sa social media.

Sa ngayon ay maayos ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa at binigyan pa niya ng arcade ang dating kasintahan bilang birthday gift.

Other Chika:
Rob Gomez hinding-hindi malilimutan ang ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez sa loob ng elevator

Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending