Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes? Bandera

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Reggee Bonoan |March 12,2022
share this

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Reggee Bonoan March 12, 2022 - 07:01 PM
Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Rob Guinto, Angela Morena at Josef Elizalde

MINSAN ang mga biglaang desisyon natin sa buhay ang nagbibigay sa atin ng mga bago at kakaibang experience. May kasabihan nga tayo na YOLO, “You Only Live Once.” Kaya dapat huwag kang matakot sumubok ng mga bagong bagay. Pero minsan, sa kagustuhan nating masubukan ang lahat, nalilimutan natin na may mga bagay na hindi natin dapat gawin.

Ito ang gist ng kuwento pelikulang “X-Deal 2” nina Rob Guinto, Angela Morena at Josef Elizalde na produced ng Viva Films na idinirek naman ni Larence Fajardo na mapapanood sa Vivamax sa Marso 25.

Babaeng-babae at maganda si Angela sa pelikula pero gagampanan niya ang isang lesbian na magkakagusto kay Rob kaya pagtatapat ng bagong sexy star ay na-challenge siya sa mga love scenes na ginawa niya.

“Pinaka-challenging po talaga ‘yung love scenes lalo na sa role ko kasi hindi lang basta love scene, intimate scene siya, so, I was very careful na hindi ma-attatch si Angela sa karakter na ‘yun,” kuwento ni Angela.

Inamin naman ni Rob na kinabahan siya nang mabasa niya ang script dahil bago ito sa kanya.

“Nagkaroon kami ng intimate scene na hindi ko pa nagawa sa ibang films ko. Kaya ang ginawa naming tatlo (kasama si Josef) ay talagang nag-usap kami na kung ano bang dapat gawin sa eksena na ito o kung ano ‘yung tama o mali,” say ng sexy star.

Nadala ba sila sa mga intimate scenes?

Naunang sumagot si Angela, “sa mga love scene or intimate scene hindi naman ako nadadala as Angela Morena kasi kapag in character ka, you have to be in character kasi kapag nadala ka, ikaw ang talo, ‘yan po ang sabi ni direk Carla sa amin po.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rob Guinto (rawb) adj (@rblyngnt)


“Hindi ka artista kapag once na na-attach ka sa isang eksena,”saad naman ni Rob.

Naikuwento rin ni Angela na kamuntikan siyang malunod sa eksena mabuti na lang at marunong daw siyang lumangoy at hindi nagpanic.

“Sobrang proud ako sa sarili ko kasi merong eksena rito na muntik akong malunod pero good thing marunong akong lumangoy dahil sobrang lakas ng alon and struggled talaga. Habang nagpo-float ako wala akong marinig at hindi ko alam na sumisigaw na pala sila kasi it’s a drone shot, so pag-angat ko hindi ko na maramdaman ‘yung sand at iniwasan ko talaga na hindi mag-panic which is number one rule kapag nalulunod ka na at thank God buhay pa ako, nakabalik ako sa shore,” masayang kuwento ng dalaga.

Samantala, aminado naman sina Rob at Angela na nahirapan silang maghubad kesa sa dramatic scenes nila sa X-Deal 2.

“Mahirap po siyempre ‘yung paghubad kasi siyempre ayaw naman po namin makita ‘yung sarili namin in the long run na ganito ang ginagawa namin,” say ni Rob.

At si Angela, “siguro sa akin parehong mahirap lalo na ito ‘yung pinasok naming genre ang paghuhubad po, as long as may justice naman it easy to undress and ‘yung pag-iyak, mahirap din kasi isa rin sa natutunan ko na you have to remove yourself, you have to be in character. Mahirap kasi na in-character ka pa rin, cut na ‘yung eksena dala-dala mo pa rin, so, isa yun sa iniwasan ko during the scene.”

 

Related Chika:
Aiko payag bang makipaghalikan at gumawa ng love scene sa pelikula kasama si Long Mejia?
Maxene na-shock; may nadiskubreng koneksyon sa amang si Francis at asawang si Rob

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending