Pagbibigay ng libreng tickets sa mga estudyante para sa 'Maid In Malacañang' fake news: Mukhang pera po ang ating direktor... | Bandera

Pagbibigay ng libreng tickets sa mga estudyante para sa ‘Maid In Malacañang’ fake news: Mukhang pera po ang ating direktor…

Reggee Bonoan - July 31, 2022 - 02:59 PM

Vic del Rosario, Imee Marcos at Darryl Yap

KUMALAT sa social media na maraming biniling tickets para sa pelikulang “Maid In Malacanang” si Sen. Imee Marcos para ipamahagi sa ilang eskuwelahan.

Pero ang balita nga, tumanggi umano ang mga paaralan na tanggapin ang mga libreng ticket mula sa senadora.

Naglabas ng official statement ang Viva Films at Vincentiments sa kani-kanilang Facebook page hinggil dito at sinabing hindi sila nagpapamigay ng tickets para sa pelikula nilang “Maid In Malacanang.”

“Simula ngayong July 30 ay available na po ang cinema tickets sa Pilipinas at sa ilang mga bansa sa buong mundo.

“Opo, ngayon pa lamang po available ang cinema tickets; dumerecho po kayo sa inyong mga paboritong malls at ‘wag kayong magpapaniwala sa mga posts ng mga losers.

“Ang opisina po ni Senator Imee, ang Viva Films at maging ang Vincentiments ay hindi po nagpapamigay ng libreng tickets— gawain po ng mga kakampinks yan ipinapasa lang sa atin.

“Ang mga negosyante, local leaders at mga grupo ng loyalists na nagbu-book ng block screenings ay wala pong direktiba mula sa amin; hindi po namin ito inutos pero hindi rin namin pipigilan kami po ay nagpapasalamat sa mga inisyatibong ganito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


“Gayunpaman sa pagiging mukhang pera ng ating direktor makakasiguro po tayong hindi libre ang tickets.

“Sa mga kababayan po natin sa ibang bansa lalo na sa Dubai, na 4 na araw na pong sold-out ang schedules nakikiusap po kami na sana ay ‘wag natin patungan ang presyo ng ticket para po makapanood ang lahat; personal pong bibisita si Direk Darryl sa Dubai kasama ang ilang cast.

“Huwag po tayong magpadala sa pagpapapansin ng mga kumakain ng panis na kanin na ipinipilit na may katapat ang pelikula natin; gaya ng nangyari sa eleksyon, ang tumakbo para lang may talunin ay hindi nanalo kaya ang pelikulang ipapalabas lang para may pilit na tapatan ay hindi magtatagumpay.

“Huwag po natin limusan ng atensyon ang kacheapang iyon.

“PARATING NA ANG MAID IN MALACAÑANG.

“At wala silang magagawa kundi ang mainggit, magpakalat ng pekeng balita at magtae mula sa kanilang toxic pink bunganga.

#MAIDinMALACAÑANG. AUGUST 3 • CINEMAS WORLDWIDE,” sabi pa sa official statement ng Viva Films at ng Vincentiments.

https://bandera.inquirer.net/320071/imee-marcos-nagmana-sa-amang-si-ferdinand-marcos-sr-tinawag-na-maid-in-malacanang

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/315684/bakit-nga-ba-na-reschedule-ang-concert-ni-vice-ganda-sa-dubai
https://bandera.inquirer.net/318198/kim-domingo-binatikos-dahil-sa-pagbili-ng-ticket-para-sa-fan-meeting-ni-cha-eun-woo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending