Sinu-sino ang tatanghaling mga bagong reyna sa Bb. Pilipinas 2022; makasungkit kaya ng korona si Herlene Budol?
ABANGERS na ang milyun-milyong pageant fans para sa gaganaping grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 ngayong gabi sa Araneta Coliseum.
Sinu-sino nga kaya sa 40 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang tatanghaling mga bagong reyna na magre-represent sa Pilipinas para sa iba’t ibang international pageants.
Kanya-kanyang paandar at pasabog sa pagpapakita ng kanilang natatanging ganda, talino at tikas ang official candidates para sa apat na Binibining Pilipinas 2022 titles.
Masasaksihan ang reigning queens na sina Hannah Arnold, Samantha Panlilio, Cinderella Obenita at Maureen Montagne sa pagpuputong ng korona sa mga tatanghaling Bb. Pilipinas International, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Intercontinental, at Bb. Pilipinas Globe.
Magbabalik naman bilang hosts sa coronation night sa Big Dome sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves.
Magsisilbi ring Live Chat hosts sina Miss Grand International 2020 1st Runner Up Samantha Bernardo at kapwa “Pinoy Big Brother” alum na si Edward Barber.
Hindi lang isang beauty event kundi isang concert na rin ang inaabangang kompetisyon dahil may mga pasabog na production number din si Maymay Entrata at ang isa sa top P-Pop idols sa bansa na SB19.
View this post on Instagram
Kamakailan, pinag-usapan sa social media ang mga national costume ng mga kandidata na inspired sa mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino. Nakita rin sa mga costume ang husay at pagkamalikhain ng mga nagdisenyo nito.
Ilan sa mga early favorites among the candidates sina Kapuso comedienne Herlene Budol ng Angono, Rizal; Roberta Angela Tamondong ng San Pablo, Laguna; Gabrielle Camille Basiano ng Borongan, Eastern Samar; at Cyrille Payumo ng Porac, Pampanga.
Sinu-sino kaya ang makakasungkit ng mga korona? Abangan yan sa Binibining Pilipinas 2022 Coronation Night na mapapanood sa Kapamilya Channel, Metro Channel, A2Z, at TV5 simula 10 p.m.. Ipalalabas din ito sa iWantTFC at sa Binibining Pilipinas official YouTube channel.
https://bandera.inquirer.net/313984/hugot-ni-herlene-budol-hindi-porket-galing-ka-sa-ilalim-hindi-ka-na-makakabangon
https://bandera.inquirer.net/318418/herlene-budol-niregaluhan-ng-house-lot-ng-talent-manager-sobrang-speechless-ako
https://bandera.inquirer.net/315532/bb-gandanghari-ogie-diaz-nagkabati-na-nang-magkita-sa-us-nagyakapan-kami-wala-nang-sorry-sorry
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.