Ogie Diaz nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareño: Mali yung intindi nila sa interview | Bandera

Ogie Diaz nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareño: Mali yung intindi nila sa interview

Therese Arceo |July 27,2022
facebook
share this

Ogie Diaz nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareño: Mali yung intindi nila sa interview

Therese Arceo - July 27, 2022 - 08:28 PM

Ogie Diaz nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareño: Mali yung intindi nila sa interview
MARIING itinanggi ng komedyanteng si Ogie Diaz ang kumakalat na chika na naghihirap na raw ang beteranang aktres na si Gina Pareño.

Nagsimula itong kumalat matapos lumabas ang interview ng beteranang aktres sa kanyang YouTube channel noong July 18, 2022.

Matatandaang nanawagan sa naturang interview si Gina na sana ay kunin siyang muli para gumawa ng proyekto gaya ng mga pelikula at teleserye.

Ani Ogie, hindi naman ibig sabihin na nanawagan at nakiusap ito na kunin siya bilang isa sa mga cast sa isang proyekto ay dahil wala na itong pera.

“Ang sabi nila, si Gina Pareño, naghihirap na. May mga netizens na nagko-comment ng ganun kasi nga parang nagmamanik-luhod si Tita Gina sa aking one-on-one interview,” saad ni Ogie.

Sadyang nami-miss lang daw nito ang pag-arte dahil noon pa man ay ito na ang kanyang ginagawa at ito rin ang naging dahilan para makapag pundar siya para sa pamilya at makaipon ng sariling pera.

“Diyos ko, may pera rin si Tita Gina. May pera yun, gusto niya lang talagang makakita ng mga ilaw ilaw sa shooting o sa taping. Gudto niyang makakita rin ng kapwa artista na nakatrabaho niya,” pagpapatuloy pa ni Ogie.

Nainis rin daw ang anak ng batikang aktres na si Racquel Pareño sa mga balitang kumakalat na balita dahil mali ang pagkakaintindi nila sa sinabi ng kanyang ina.

“Mali yung intindi nila dun sa interview. Na-misinterpret na naghihirap na si Tita Gina, hindi naman daw. Gusto lang daw magtrabaho uli ni Tita Gina,” dagdag pa ni Ogie.

Pero prangkahan ring sinabi ng komedyante na sino nga ba ang hindi nangangailangan ng pera at siyempre hindi naman magiging libre ang pag-arte ni Gina lalo na’t isa itong award-winning actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gina Pareño (@yourlolagets)

“Gina Pareño, ano yan papalibre? Hindi naman ganon. May TF (talent fee) naman ang lola n’yo,” hirit pa ni Ogie.

Related Chika:
Gina Pareño umaming miyembro rin ng LGBTQ: Oo, bakit? May problema?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gina Pareño nakiusap na bigyan uli siya ng trabaho: Baka kasi mauwi na ako sa mental nito!

Gina Pareño ‘milyonarya’ na rin sa TikTok: Lahat ng comments sinasagot ko, naglalamay po ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending