Lolit Solis nag-dialysis dahil sa kidney problem; super pasalamat kay Jane de Leon | Bandera

Lolit Solis nag-dialysis dahil sa kidney problem; super pasalamat kay Jane de Leon

Reggee Bonoan - July 27, 2022 - 04:43 PM
Lolit Solis nag-dialysis dahil sa kidney problem; super pasalamat kay Jane de Leon

HANGAD namin ang agarang paggaling ni Manay Lolit Solis na nakalabas na ng ospital matapos ma-confine ng isang linggo.

Nakakuwentuhan namin ang entertainment editor na si Salve Asis nang magkita kami sa sceening ng “What We Could Be” at nabanggit niya na kailangan niyang mag-dialysis dahil sa kanyang kidney problem.

Sabi ni Salve, “Apat na beses lang mag-dialysis si Manay tapos ayaw na niya.”

Ang pagkakaalam namin kapag dina-dialysis ay matagalang gamutan ito, pero ang sabi ni Salve ay hindi naman kailangan depende sa sakit.
Samantala, puring-puri ni Manay Lolit si Jane de Leon na lilipad na sa Agosto 15 bilang si Darna dahil may ipinadala raw ito habang naka-confine siya sa hospital.

Ipinost ni Manay sa kanyang Instagram account ang larawan ni Jane habang nasa likod niya ang mural ng “Darna.”

Ang caption niya, “Gusto ko mag thank you kay DARNA, Jane de Leon. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magkakilala.

“So touching para sa akin dahil nag effort siya at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa. Nagagandahan ako kay Jane de Leon ng mapanuod ko sa TV, malakas ang screen presence niya, maganda ang boses niya, at palagay ko magiging malaki siyang star.
“Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest. Tiyak na magiging important star si Jane de Leon. At itong ugali niya na nagri-reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya. Thank you Jane, well appreciated, salamat,” sabi pa ng talent manager.

Sayang at naka-off ang comments section ng IG ni Manay Lolit dahil tiyak na maraming fans si Jane ang matutuwa sa mga sinabi niyang ito.

* * *

Nitong July 21 ay nagdiwang ang “Sing Galing Kids” Jukeboss na si Jona ng #JonaFearlessDay Media Tour na dahilan para mag-number one trending topic sa Twitter ang katagang “Jona Fearless Day.”

Jampacked ang buong araw na schedule ni Jona na sumabak sa napakaraming radio and TV guestings sa mga radio stations na umeere sa Metro Manila at sa mga malalayong probinsya sa bansa.  Nagpaunlak din siya ng exclusive interview sa isang online news portal.

Halata ang pagiging mabait at pagiging soft-spoken ng singer  dahil game na game niyang sinagot ang mga tanong tungkol sa kanyang singing career, mga nakalinyang proyekto, ang kanyang bagong pinagkakaabalahan na pagsalba sa mga stray dogs at pati na rin mga tanong sa kanyang pagiging Kapatid.

“For me, it’s a very good opportunity dahil sobrang bihira ko po kasi nagagawa ang hosting or judging a singing competition kasi ‘yung almost 17 years ng singing career ko, halos all of the time kumakanta lang ako so it’s a different thing to host or to judge kaya naman when they asked me to be part of Sing Galing and Sing Galing Kids, talaga namang wala na pong second thoughts about it,” sagot ng Fearless Diva.

Nang tanungin kung bakit siya napa-yes sa offer sa kanyang proyekto ng TV5. Isa din sa mga binanggit niya ay ang dapat nating abangan na susunod niyang ilalabas na mga kanta dahil gusto niya daw mag-try ng kakaiba o “experimental” na approach sa pagkanta.

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Lolit Solis nakalabas na ng ospital matapos ma-confine ng 1 linggo; tinawagan ng anak nina Vic at Pauleen: ‘You want money?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending