Giselle Sanchez kasali sa 'Maid in Malacanang, nakiusap sa netizens: Wala pong personalan, trabaho lang po Bandera

Giselle Sanchez kasali sa ‘Maid in Malacanang, nakiusap sa netizens: Wala pong personalan, trabaho lang po

Therese Arceo |July 08,2022
share this

Giselle Sanchez kasali sa ‘Maid in Malacanang, nakiusap sa netizens: Wala pong personalan, trabaho lang po

Therese Arceo - July 08, 2022 - 12:15 PM

Giselle Sanchez kasali sa 'Maid in Malacanang, nakiusap sa netizens: Wala pong personalan, trabaho lang po
NANAWAGAN ang aktres na si Giselle Sanchez na madlang pipol na sana ay huwag siyang batikusin dahil parte siya ng pelikulang “Maid in Malacañang”.

Mukhang hindi lang basta simple ang kanyang magiging role dahil sinabi niyang may tsansa na maging “controversial” ang kanyang gagampanan at maaari siyang i-bash ng mga tao.

“Finally doing a project with Direk [Darryl Yap]. I must admit that this role is going to be very controversial and I may be bashed for this but please bear in mind that I am an actress. Artists just play a role given to them,” saad ni Giselle sa kanyang Instagram account noong July 5.

Hindi naman niya pinangalanan kung sino nga ba ang role na gagampanan niya kaya mas na-curious pa ang mga netizens kung sino nga ba siya sa upcoming Viva film.

Pagkukwento ni Giselle, tinanggap raw niya ang offer sa kanya na maging parte ng pelikula kahit na hindi pa niya alam kung ano ang kanyang magiging partisipasyon dito pero naniniwala daw siya sa Viva at sa direktor.

“When I accepted this film, I accepted it blindly not knowing my role, the length of my participation in the film nor the contents of the script. I trusted my handler from @vivaartistsagency and I trusted Direk Daryl’s judgement that I will be fit for the role,” sey ni Giselle.

Dagdag pa niya, “Wala pong personalan, trabaho lang po.”

Hindi pa man ipinapalabas ang pelikula ngunit madalas na itong pag-usapan dahil sa kontrobersyal na cast.

Kamakailan nga lang nang mag-trending si Ella Cruz dahil sa kanyang pahayag ukol sa mga natutunan niya sa “Maid in Malacañang”.

Dito nga ay ikinumpara niya ang history sa tsismis bagay na ikinataas ng kilay ng mga netizens.

Kaya naman hindi matanggal kay Giselle ang pangamba na may mga taong ring mang-bash sa kanya lalo na pag nalaman kung ano ang kanyang role.

Samantala, ipinasilip naman na ni Darryl Yap sa pamamagitan ng kanyang VinCentiments Facebook page ang teaser ng “Maid in Malacañang”.

Makakasama naman ni Giselle ang iba pang mga artistang gaganap sa pelikula tulad nina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Ella Cruz, Beverly Salviejo, Karla Estrada, Elizabeth Oropesa, Kiko Estrada, at Senador Robin Padilla.

Related Chika:
Cast ng ‘Maid In Malacañang’ pumirma ng ‘NDA’ bago sumabak sa shooting; Darryl Yap nakiusap sa media, vloggers

Pakiusap ni Giselle Sanchez kay Paolo: Please don’t throw this family away…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending