Cast ng 'Maid In Malacañang' pumirma ng 'NDA' bago sumabak sa shooting; Darryl Yap nakiusap sa media, vloggers Bandera

Cast ng ‘Maid In Malacañang’ pumirma ng ‘NDA’ bago sumabak sa shooting; Darryl Yap nakiusap sa media, vloggers

Reggee Bonoan |July 06,2022
share this

Cast ng ‘Maid In Malacañang’ pumirma ng ‘NDA’ bago sumabak sa shooting; Darryl Yap nakiusap sa media, vloggers

Reggee Bonoan July 06, 2022 - 02:29 PM

Cristine Reyes, Diego Loyzaga at Ella Cruz

NGAYON pa lang ay ang ingay-ingay na ng publicity para sa pelikulang “Maid In Malacañang” ng Viva Films mula sa direksyon ni Darryl Yap.

Dahil na rin ito sa trending comment na, “History is like Tsismis” ni Ella Cruz na gumaganap bilang Irene Marcos-Araneta sa nasabing pelikula.
Si Irene ay kapatid nina Sen. Imee Marcos, Aimee Marcos at President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Maraming gustong mag-set visit sa shooting ng “Maid In Malacañang” at para makapanayam na rin ang mga artistang kasama sa pelikula lalo na si Ella para mahingan ng reaksyon sa kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanya.

Tungkol sa pagdalaw sa location ng pelikula ay marami ang nangungulit kay direk Darryl kaya naman nag-post siya sa kanyang Facebook account bilang sagot sa lahat.

Aniya, “Sa akin pong mga kaibigan na vloggers, social media content creators, artists and mediamen, hindi po ako ang magdedesisyon sa set visits and behind the scenes privileges, ang #MAIDinMALACAÑANG shoot na nasa Day7 na ngayon.”

Ayon pa kay direk Darryl, malabong magkaroon ng set visit sa lock-in shoot nila, “Sa ilalim ng Viva Entertainment at lahat po ng artists and staff ay pumirma sa NDA (non-disclosure agreement) upang maiwasan ang paglabas ng kahit anong materyal na wala pong pahintulot ang management.

“Walang tampuhan, at wala rin sanang emote. Nagbago ka na. HAHAHA!”


Samantala dahil kuwento tungkol sa pamilya Marcos ang nilalaman ng “Maid In Malacañang” na idinidirek ng batang direktor ay marami ang nagsabing ito ang pinakamalaking pelikula ng Viva Films ngayong 2022.

Pero nilinaw ito ni direk Darryl dahil, “Itatama ko lang po, kahit pa po totoo; never naman akong nagsabi na ang #MAIDinMALACAÑANG ang pinakamalaking pelikula ng Viva Entertainment ngayong taon. Naniniwala akong lahat ng pelikula ng VIVA ay malaki.”

Ipinagtanggol din ni direk Darryl si Ella sa mga bumibira sa dalaga, “Nakita mo naman Ella Cruz; Basta’t may pwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para i-misinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance.”

Makakasama rin ni Ella sa pelikula sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga at marami pang iba.

Darryl Yap boldyak sa netizens dahil sa eksena sa ‘Maid in Malacañang’: Gumamit pa talaga ng sulo… May aswang ba diyan?

Diego patung-patong na pressure ang napi-feel sa pagganap bilang BBM; Cesar ‘great blessing’ ang pagbibida sa ‘Maid In Malacañang’

Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending