Pakiusap ni Giselle kay Paolo: Please don't throw this family away... | Bandera

Pakiusap ni Giselle kay Paolo: Please don’t throw this family away…

Therese Arceo |September 07,2021
facebook
share this

Pakiusap ni Giselle kay Paolo: Please don’t throw this family away…

Therese Arceo - September 07, 2021 - 03:05 PM

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang kontrobersyal na hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Mukha pa ngang mas lumalala ito sa bawat araw lalo na’t may mga kumalat na pictures at videos kung saan may kasamang babae ang aktor.

Sa kabila ng mga batikos na tinatamasa ay nananatiling tikom ang bibig ng aktor sa kontrobersya. Maging ang idinadawit bilang third party na si Yen Santos ay tahimik lang sa mga akusasyon na ibinabato sa kanya.

Marami mang mga netizens ang nayayamot kay Paolo ay mayroon pa ring naniniwala na kaya pang isalba ng aktor ang kaniyang relasyon kay LJ at mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Isa na nga rito ang kapwa artista na si Giselle Sanchez.

Sa kaniyang column sa isang pahayagan, nagbahagi ng open letter ang aktres para kay Paolo kaugnay ng hiwalayan nila ni LJ.

“To be honest, I still believe that there id hope to save the six-year relationship of Paolo Contis and LJ Reyes. Paolo is the key,” saad ng aktres.

Base raw sa naging interview ni LJ, may kakayahan ito na magpatawad. Nasasaktan lang daw ito sa kasalukuyang hinaharap na pagsubok pero lahat naman daw ng sugat ay kinakailangan lamang ng panahon para naghihilom.

“Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle. We have worked together ever since you were a kid. I saw you grow up from Ang TV to Okatokat.

“I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly,” dagdag pa nito.

Paniguradong nakarating na sa aktor ang open letter ng kaibigan at nasa kanya ang final say kung susundin ba niya ang payong ito o babalewalain na lang.

Siguro’y nabasa o narinig na rin ito ni LJ kahit na nasa Amerika silang mag-anak. Kung dumating man ang panahon na bumalik at humingi ng tawad si Paolo sa kanya, tatanggapin kaya niya ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nananatili namang bukas ang BANDERA para sa panayam nina Paolo Contis ukol sa isyu na ito.

Bukas rin kami para kay Yen Santos sakaling naisin nitong maglabas ng saloobin at klaruhin ang isyung nagdadawit sa kaniya bilang sanhi ng paghihiwalay ng dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending