Awra Briguela nagiging emosyonal kapag naiisip ang ama: Sobra ang pagmamahal at pagsuporta niya sa akin | Bandera

Awra Briguela nagiging emosyonal kapag naiisip ang ama: Sobra ang pagmamahal at pagsuporta niya sa akin

Ervin Santiago - July 06, 2022 - 08:03 AM

Awra at Oneal Briguela

NAPAKASWERTE ng Kapamilya youngstar na si Awra Briguela sa pagkakaroon ng napakabait, mapagmahal at napaka-supportive na tatay.

Mula noong bata pa siya at ngayong 18 years old na ay patuloy pa rin ang ibinibigay na suporta ng kanyang amang si Oneal Briguela na tanggap na tanggap ang pagiging beki niya.

Ayon kay Awra, napakalaking impluwensiya sa kanya ni Ginoong Oneal kaya lumaki siyang responsable, disiplinado at mahusay makisama sa lahat ng uri ng tao.

Nito lamang nagdaang Lunes, July 4, ibinahagi ni Awra sa social media kung gaano niya kamahal ang kanyang ama na nagsisilbi pa ring inspirasyon sa patuloy na paglaban nang patas sa buhay.

Nag-post ang Kapamilya star sa Instagram ng video compilation ng kanyang mga litrato na kuha noong nag-aaral pa lang siya sa grade school hanggang sa debut celebration (18th birthday) niya ngayong taon.

Kabilang na nga rito ang mga photos nila ng ama na talagang sumuporta sa selebrasyon ng kanyang “pagdadalaga”. Dito niya isinuot ang agaw-eksena niyang dark blue cocktail dress with matching strappy heels.

“Nothing really makes me emotional until I realize how loving and supportive my father is,” ang maikli ngunit tagos sa pusong caption ni Awra sa ibinahaging video.

Sa isang panayam noon sa dalaga, todo ang pasasalamat niya sa ama dahil kahit kailan ay hindi nito hinusgahan ang kanyang pagkatao at pagiging miyembro ng LGBTQIA+ community.

“Papa, thank you po kasi sa lahat ng gusto ko sinusuportahan niyo ako.

“Sorry po minsan sobrang kulilt ko. Pero sa sobrang kulit ko, sobrang saya ko din po dahil lagi kayong nandiyan para itama at intindihin po ako.

View this post on Instagram

A post shared by AWRA (@awrabriguela)


“Salamat Papa at mahal na mahal ko din po kayo. Sana po ay lalo pa po niyo akong suportahan sa lahat ng gagawin ko,” pahayag ni Awra.

May dalawang nakatatandang kapatid na babae si Awra, sina Nicole at Micay at ang bunso naman nilang lalaki ay si Brione.

Isa sa mga naging nanay-nanayan niya sa showbiz na umaalalay sa kanya hanggang ngayon at itinuturing niyang greatest influence ay ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

https://bandera.inquirer.net/290208/awra-briguela-super-proud-bilang-working-student-inalagaan-talaga-ako-nina-kuya-coco-at-ate-vice

https://bandera.inquirer.net/299642/awra-nagpa-house-tour-sa-bonggang-bahay-dito-namin-sasalubungin-ang-pasko-at-new-year

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/290067/awra-natakot-nang-tinawagan-ng-gma-inakala-na-scam-lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending