Medwin Marfil may hugot sa presyo ng bilihin: We are entering the golden age
MALALIM ang hugot ng Truefaith vocalist na si Medwin Marfil dahil sa taas na ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa kanyang Twitter account ay hindi napigilan ng singer ang maglabas ng saloobin ukol sa presyo ng basic commodities na “presyong ginto” na raw.
“We are now entering a new ‘golden age’. Presyong ginto na ang mga basic commodities,” saad ni Medwin sa kanyang tweet noong June 8.
Dagdag pa nito, “Unity!”
We are now entering a new “golden age.”
Presyong ginto na ang mga basic commodities.
Unity! 😂
— MEDS Ⓥ (@MedwinTruefaith) June 8, 2022
Agad namang umani ng mga komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Medwin.
Isang netizen nga ang nagdawit pa sa pangalan ng outgoing Vice President Leni Robredo sa kanyang comment sa tweet ng mang-aawit.
“Let’s face it. If Leni won, which didn’t happen, you pinks would sing a different tune regarding this inflation – which by the way, has nothing to do with the FUTURE admin. Yup, he hasn’t even sworn into office yet, but it’s his fault, right?” sey ng netizen.
Sagot naman ni Medwin, “Walang nakasaad jan na kasalanan niya. Pag nanalo si Leni, ang sasabihin ng mga pinks sa panahon ng kahirapan ngayon: ‘Papunta pa lang tayo sa exciting na part’.
Pagpapatuloy niya, “Eh win daw si Baby M. Eh di, ‘Unity!’ Gets?”
Comment pa ng isang netizen, “Hey wag mo e link ang pagtaas ng presyo ng gas, mind you mataas na yan bago pa election. Basta na lang may masabi DYOR muna po.”
Hirit naman ng isa, “Golden age indeed. As in mas madaming magsasanla ng ginto sa [pawnshop].”
Hindi naman na nagkomento pa si Medwin sa mga iba pang posts.
Matatandaang isa siya sa mga personalidad na nagpakita ng pagsuporta sa kandidatura nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan na pwang tumakbo bilang presidente at bise presidente noong nagdaang eleksyon.
Nakilala ang mga tagasuporta ng tambalang Robredo-Pangilinan bilang mga “Kakampinks”.
Related Chika:
Medwin Marfil ng True Faith 4 na beses tumanggi sa offer ng UniTeam: May bayad powh…
Nadine tuloy ang concert para sa mga Golden Gays, drag queens: You are loved and valued!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.