Skusta Clee bugbog sarado sa madlang pipol, minura at tinawag na cheater habang nagpe-perform | Bandera

Skusta Clee bugbog sarado sa madlang pipol, minura at tinawag na cheater habang nagpe-perform

Therese Arceo |June 12,2022
facebook
share this

Skusta Clee bugbog sarado sa madlang pipol, minura at tinawag na cheater habang nagpe-perform

Therese Arceo - June 12, 2022 - 11:54 AM

Skusta Clee bugbog sarado sa madlang pipol, minura at tinawag na cheater habang nagpe-perform

HINDI nakaligtas ang miyembro ng Ex-Batallion na si Skusta Clee sa hagupit ng galit ng madlang pipol nang mag-perform ito noong Biyernes, June 10, sa Aurora Fest 2022, isang hot air balloon at music festival na ginanap Clark, Pampanga.

Marami kasi sa mga netizens ang hanggang ngayon ay nanggigil sa rapper-vlogger matapos aminin ng dati niyang karelasyon na si Zeinab Harake na muli na naman siyang niloko nito.

Umpisa pa lang ay hindi na naging mainit ang pagtanggap ng crowd kay Skusta Clee at panay ang sigaw nila ng mura rito habang kumakanta base na rin sa mga videos na kumakalat ngayon sa social media.

Mas lalong nairita ang madlang pipol sa Ex-Batallion member nang kantahin niya ang isa sa kanyang mga kantang “Karma” na ang lyrics ay may kaugnayan sa pagloloko at pagtataksil.

Marahil ay na-trigger ang mga manonood dahil tila taliwas ang mga lyrics ni Skusta Clee sa kanyang ginawa dahil aware naman ang lahat na muli na naman niyang niloko ang kanyang dating partner at ina ng kanyang anak.

At sa halip nga na ma-excite ay nagsigawan ang audience ng “boo”, “cheater”, at pinagmumura siya ng mga ito. May ilan pa ngang nagtataas ng kanilang middle finger kasabay ng kanilang pagsigaw.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)


Base sa mga comment section ay masaya ang mga netizens sa nangyari kay Skusta Clee at “deserve” daw nito na ang hindi magandang behavior ng crowd matapos ang ginawa nito.

Matatandaang nitong Mayo nang basagin ni Zeinab ang kanyang katahimikan ukol sa kumakalat na chika ng kanilang paghihiwalay.

Sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga inamin ng social media influencer na sa kabila ng lahat ng kanyang ginawang pagpapatawa ay muli na naman siyang niloko ni Skusta Clee.

At ngayon ngang araw ay nag-post ang singer-rapper sa kanyang Instagram story matapos batikusin ngmadlang pipol.

“As long as mas kilala ako ng mga taong nagmamahal at nakapaligid sakin, okay ako! Wala kong dapat patunayan sa kahit kanino man. I’m just here living my best life. Sa mga tunay na sumusuporta, kapit lang. Mahal ko kayo,” sey ni Skusta Clee.

Related Chika:
Lovelife hugot ni Skusta Clee: Nagmu-move forward agad ako kasi kung mag-i-stay ka sa isang lugar lulugmukin mo lang ang sarili mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Skusta Clee malalim ang hugot sa ‘Kumpisal’ nila ni Gloc-9: Dito na ako hihingi ng tawad…

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending