Liza Soberano, Enrique Gil may balak na nga bang magpakasal? | Bandera

Liza Soberano, Enrique Gil may balak na nga bang magpakasal?

Reggee Bonoan - June 10, 2022 - 05:25 PM

Liza Soberano, Enrique Gil may balak na nga bang magpakasal?
ALIW ang bagong tsika kina Liza Soberano at Enrique Gil dahil matapos silang ma-tsismis na hiwalay na dahil nasa magkaibang bansa sila ngayon at kasama pa ng aktres ang bago niyang manager na si James Reid ay heto at ikakasal naman na ang latest chismis.

Ito ang isa sa topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama sina Tita Jegs, Ate Mrena at Dyosa Pockoh sa latest “Showbiz Update” na in-upload ngayong araw, Hunyo 10.

Diretsong tanong ni mama Lois a ex-manager ni Liza, “totoo bang ikakasal na sina Liza at Enrique? Baka wala pa silang wedding planner, alam mo na, ha?”

“Teka-teka sandali, nakakaloka kayo. ‘Yung kasal-kasal, actually, noon pa nila napag-uusapan ‘yan na dadating din ang time na sila ay magse-settle down. Pero hindi pa ngayon!” diretsong sagot din ni Ogie.

Dagdag pa, “kasi marami pang pangarap si Liza at si Quen. Although, si Quen baka maagang magre-retire sa showbiz hindi natin alam kung ilang taon na lamang kasi mas gusto ni Quen na mag concentrate sa negosyo, pero hindi rin natin alam baka magbago ang isip kasi sayang din naman ang opportunities na dumarating sa kanila at ang daming offers sa LizQuen.

“Si Liza naman ay alam ko na talagang gusto niyang ma-fulfill ang kanyang Hollywood dream at ma-achieve ito. Although hindi ganu’n kadali ang pagpasok sa Hollywood pero ita-try pa rin ni Liza kaya nga she keeps on sending mga auditions/VTRS sa mga agency dito (Los Angeles).

“At alam ko si Quen alam ‘yan na may pangarap si Liza kaya hihintayin ‘yan ni Quen bago bago sila mag-settle down, so at least lumabas ang totoo na walang kinalaman si James Reid at hindi siya dahilan para mag-split sina Liza at Enrique.

“Talagang ganu’n lang ka-solid ang kanilang friendship at ang alam ko hihintayin ni Quen ‘yung panahon o oras sasabihin sa kanya ni Liza na, ‘ I’m done okay na ako and let’s settle down.’

Nabanggit din ni Ogie na masyado nang malalim ang relasyon ng LizQuen. Kaya gustong pagbigyan ng aktor ang pangarap ng kanyang girlfriend na maka-penetrate sa Hollywood.

“So, hintayin natin ‘yan, okay? Ang bottomline, sila pa rin hanggang ngayon and until forever,” pagtatapos ni Ogie.

Related Chika:
Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enrique hindi malilimutan ang pakiusap ng isang fan: I think we need to do two weddings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending