Ana Jalandoni napatawad na si Kit Thompson: 'Yun naman 'yung tamang paraan para maka-move on | Bandera

Ana Jalandoni napatawad na si Kit Thompson: ‘Yun naman ‘yung tamang paraan para maka-move on

Therese Arceo |June 10,2022
facebook
share this

Ana Jalandoni napatawad na si Kit Thompson: ‘Yun naman ‘yung tamang paraan para maka-move on

Therese Arceo - June 10, 2022 - 01:20 PM

Ana Jalandoni napatawad na si Kit Thompson: 'Yun naman 'yung tamang paraan para maka-move on
INAMIN ng aktres na si Ana Jalandoni na napatawad na niya ang kanyang ex-boyfriend na si Kit Thompson sa ginawa nitong pisikal na pananakit sa kanya.

Sa naganap na presscon ay hindi nakaiwas ang aktres sa mga katanungan ukol sa dating karelasyon.

“Opo, napatawad ko na siya,” saad ni Ana.

Aniya, wala nang poot sa kanyang puso at ipinapasa-Ditos na niya ang lahat lalo na ag hindi rin naman makakatulong sa kanyang pagmu-move on kung magkikimkim pa rin siya ng galit.

“Wala naman po akong galit. Ni-let go, and let God ko na po ‘yun. Gusto ko na rin po mag-start para sa sarili ko. Hindi rin po makakatulong sa ‘kin kung may galit ako sa puso ko. Alam ko po may mapupuntahan na maayos ang lahat,” pagpapatuloy pa ni Ana.

Bagamat aminadong mabigat at mahirap ang proseso ng pagpapatawad pero kailangan niya itong gawin para na rin makapagsimula at muli na siyang makausad sa kanyang buhay.

“I learned kasi to choose na magpatawad kasi ‘yun naman ‘yung tamang paraan para maka-move on, para maumpisahan ‘yung bagong buhay na gusto ko,” dagdag pa ni Ana.

Sa kabila ng pinagdaraanan ay masaya naman ang kanyang kalagayan lalo na’t buo ang suporta ng kanyang pamilya, kaibigan, at maging ang management agency nitong Cornerstone Entertainment sa kanyang mga nais sa buhay.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)

 

Mananatili namang tuloy ang kaso ni Ana laban kay Kit kahit pa inamin niyang mapatawad na niya ang dating karelasyon.

“Gusto ko rin pong magtrabaho nang magtrabaho. So dun po ako naka-focus ngayon, sa trabaho. ‘Yung case namin, iniiwan ko na lang po sa legal team ko,” paliwanag ng aktres.

Samantala, tatanggap naman si Ana ng “Most Empowered Celebrity of the Year” award mula sa Asia’s Golden Icons Award 2022 na gaganapin sa June 28.

Matatndaang naging laman ng balita ang aktres matapos itong ma-rescue ng mga pulis sa tintuluyan nilang hotel ni Kit sa Tagayta

y kung saan naganap ang pananait na nag0ugat nang dahil sa selos.

Related Chika:
Ana Jalandoni naididilat na ang mata matapos mabugbog; binura na ang mga litrato ni Kit sa IG

Kit pinagbantaan daw ang buhay ni Ana: Sabi niya, ‘Akin ka lang! Hindi ka pwedeng mapunta sa iba, akin ka lang!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ana Jalandoni inaatake ng matinding trauma matapos mabugbog, nag-sorry sa pamilya

Ana Jalandoni nag-post na ulit sa Instagram, Kit Thompson nag-deactivate naman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending