Ana Jalandoni nag-post na ulit sa Instagram, Kit Thompson nag-deactivate naman | Bandera

Ana Jalandoni nag-post na ulit sa Instagram, Kit Thompson nag-deactivate naman

Therese Arceo |April 09,2022
facebook
share this

Ana Jalandoni nag-post na ulit sa Instagram, Kit Thompson nag-deactivate naman

Therese Arceo - April 09, 2022 - 03:03 PM

Ana Jalandoni nag-post na ulit sa Instagram, Kit Thompson nag-deactivate naman

UNTI-UNTI nang bumabangon ang sexy actress at negosyanteng si Ana Jalandoni matapos ang kanyang sinapit sa kamay ng dating boyfriend na si Kit Thompson.

Makalipas ang kanyang pagiging inactive sa social media ay tila nagpahiwatig na ng dahan-dahang paghilom ang aktres nang mag-post ito ng larawan sa kanyang Instagram account.

Makikita si Ana na tila nagbabakasyon sa isang beach at may kuha pa siya na nakaputi na may background na mga puno.

May post rin ang aktres na larawan ng sunset by the beach.

Isang bible verse na Psalm 37:5 rin ang ibinahagi ni Ana sa kanyang Instagram stories.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)

 

“Take delight in the Lord and He will give you the desires if your heart.”

Marami naman ang masaya sa unti-unting paghilom ni Ana mula sa masalimuot nitong karanasan.

“It’s nice to see [you] back po. Hope you’re doing fine. I know it’s a process but everyone gets there. For sure you will too. God bless keep safe,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa pa, “Pakatatag ka po miss Ana. Mahal ka namin.”

Samantala, nang subukan naming i-check ang Instagram account ni Kit ay hindi na ito makita.

“Page isn’t available,” ito ang lumalabas sa screen kapag pumunta sa IG account ng aktor at mukhang naka-deactivate ito.

Nananatili namang aktibo ang kanyang Facebook page.

March 18 nang magulantang ang publiko sa malagim na nangyari sa aktres na si Ana nang saklolohan siya ng mga otoridad sa isang hotel sa Tagaytay.

Dito’y napag-alamang binugbog at sinaktan ni Kit ang aktres na nag-ugat dahil sa selos.

Naibahagi rin ni Ana ang mga nangyari noong nauwi sila sa pisikalan ng dating kasintahan sa kanyang interview kay Boy Abunda.

Nabanggit niya na may problema sa anger management ang aktor at binantaan rin daw siya nito na papatayin kapag iniwan niya ang aktor.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ana Jalandoni ni-rescue ng mga otoridad sa isang hotel sa Tagaytay, Kit Thompson dinala sa presinto para kwestiyunin

Ana Jalandoni naididilat na ang mata matapos mabugbog; binura na ang mga litrato ni Kit sa IG

Kit pinagbantaan daw ang buhay ni Ana: Sabi niya, ‘Akin ka lang! Hindi ka pwedeng mapunta sa iba, akin ka lang!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending