Ana Jalandoni naididilat na ang mata matapos mabugbog; binura na ang mga litrato ni Kit sa IG | Bandera

Ana Jalandoni naididilat na ang mata matapos mabugbog; binura na ang mga litrato ni Kit sa IG

Ervin Santiago |March 22,2022
facebook
share this

Ana Jalandoni naididilat na ang mata matapos mabugbog; binura na ang mga litrato ni Kit sa IG

Ervin Santiago - March 22, 2022 - 07:08 PM

Ana Jalandoni at Kit Thompson

Ana Jalandoni at Kit Thompson

MUKHANG tinuldukan na nga ng sexy star na si Ana Jalandoni ang relasyon nila ni Kit Thompson — sa ngayon.

Burado na kasi ang lahat ng litrato nila ng kanyang boyfriend sa Instagram matapos ang kontrobersyal na pananakit umano ng aktor sa kanya sa tinuluyan nilang hotel sa Tagaytay City.

Sa IG page rin ni Kit ay kapansin-pansing deleted na rin ang pictures nila ni Ana kaya ang feeling ng kanilang socmed followers ay tila wala nang pag-asang magkaayos o magkabalikan ang dalawa.

Ito’y sa gitna na rin ng balita na desidido na si Ana na kasuhan si Kit dahil sa umano’y pambubugbog sa kanya nito nang dahil lamang sa pagseselos.

Ayon sa abogado niyang si Faye Singson sa inilabas nilang official statement, “We are preparing to press charges to the fullest extent of the law.

“The savage and barbaric acts of the respondent should not be condoned,” ang sabi pa ng legal counsel ng aktres.

Ayon naman sa kapatid ni Ana na si Tanya Gomez, medyo naididilat na ng dalaga ang kanyang mga mata na siyang napuruhan sa naganap na insidente.

“Sa mga naniniwala sa kapatid ko, nagmamalasakit at nagdarasal sa kanyang paggaling, salamat sa prayers niyo. Nakakatulong ito sa kanyang paggaling at nagpapangiti sa kanya,” ang bahagi ng pahayag ni Tanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ana Jalandoni (@realanajalandoni)


Dagdag ng aktres, ramdam na ramdam pa rin ni Ana ang sakit at hapdi sa bandang ulo niya at iba pang bahagi ng katawan.

Sumailalim na si Kit sa inquest proceedings nitong nagdaang  weekend at nakalaya na pansamantala kahapon matapos magpiyansa.

Ana Jalandoni mahal pa rin daw si Kit Thompson, pero mapatawad pa kaya ang nakakulong na dyowa?

Kit Thompson nakalaya na matapos magpiyansa ng P72K; Ana Jalandoni hindi iuurong ang kaso

Ana Jalandoni mahal pa rin daw si Kit Thompson, pero mapatawad pa kaya ang nakakulong na dyowa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending