Paghihiwalay daw nina Daniel at Kathryn fake news; LizQuen damay din sa viral blind item Bandera

Paghihiwalay daw nina Daniel at Kathryn fake news; LizQuen damay din sa viral blind item

Reggee Bonoan |June 06,2022
share this

Paghihiwalay daw nina Daniel at Kathryn fake news; LizQuen damay din sa viral blind item

Reggee Bonoan - June 06, 2022 - 05:35 PM
Paghihiwalay daw nina Daniel at Kathryn fake news; LizQuen damay din sa viral blind item

VIRAL kahapon ang blind item ng isang showbiz website tungkol sa paghihiwalay ng Dashing Personality at ni Kindred Beauty na kaagad ikina-react ng supporters ng tambalang KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil)..

Pero mas maraming humuhula na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo raw ang pinatutungkulan sa blind item base sa paglalarawan na planado na raw ang mga pangarap nila.

May mga nagsabing namang sina Liza Soberano at Enrique Gil ang mga ito dahil hindi raw sila magkasama ngayon na parehong nasa ibang bansa bukod pa sa pagpapalit ng aktres ng manager in the person of James Reid na matagal nang crush ang dalaga.

Wala pang komento ang LizQuen tungkol dito pati na ang kampo nina Kathryn at Daniel.

Anyway, nakausap namin ang taong malapit sa KathNiel at matindi nitong pinabulaanan na hindi totoo ang nasa blind item at very strong ang relasyon ng dalawa dahil talagang iniingatan nila ang kanilang samahan lalo’t kaka-celebrate lang nila ng kanilang 10th anniversary sa Bangkok, Thailand.

“Hindi sila Regs, baka ibang loveteam kasi super okay ngayon sina Kath at DJ,” sabi ng aming kausap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Nagkataon naman kasi na DP at KB ang initials na ginamit sa blind item ng showbiz website.

Sabi naman ng isa pang malapit sa KathNiel, “Siguro inililigaw para gawan ng isyu paano mangyayari ‘yun, di ba?

Kasalukuyang umeere ang seryeng “2 Good 2 Be True” at maganda ang numero ng views nito sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at IWantTFC at sa katunayan ay may mga bumabati sa buong team ng programa.

Dagdag pang sabi sa amin na may congratulatory artcard pa para sa nasabing programa.

At dahil nananatiling tahimik sina Liza at Enrique, posibleng sila kaya ang tinutukoy sa blind item?

Bukas ang BANDERA sa panig ng LizQuen.

Related Chika:
Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Hiwalayang Kathryn-Daniel fake news; Karla may pakiusap sa KathNiel fans

Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN; Enrique Gil lilipat na sa GMA 7?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending