Hiwalayang Kathryn-Daniel fake news; Karla may pakiusap sa KathNiel fans | Bandera

Hiwalayang Kathryn-Daniel fake news; Karla may pakiusap sa KathNiel fans

Ervin Santiago |February 18,2019
facebook
share this

Hiwalayang Kathryn-Daniel fake news; Karla may pakiusap sa KathNiel fans

Ervin Santiago - February 18, 2019 - 12:10 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

‘For the record walang ganu’n, wag na tayong manghimasok’

VERY much together pa rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at hindi totoo ang tsismis na hiwalay na sila tulad ng napapabalita.

Kahapon sa presscon ng bagong comedy film na “Familia Blondina” na pinagbibidahan ni Karla, mariing dinenay ni Queen Mother na may pinagdaraanan ang KathNiel na nauwi nga sa break-up.

“For the record, walang ganu’n. Hindi sila nag-break. Nagpaliwanag na rin si Kathryn sa isyu ng pag-unfollow sa Instagram, na hindi sinasadya.
“Kaya huwag na tayong manghimasok, hayaan na natin sila sa mga ganu’n nila, ang mahalaga ang anak ko nag-deliver ng maayos sa buhay pag-ibig, sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang trabaho,” ang mahabang paliwanag ni Karla.

Ibinalita rin ng TV host-actress na buong February nakabakasyon si Daniel kaya ilang days din itong nakapagbakasyon sa Nueva Ecija kasama ang amang si Rommel Padilla. Sa katunayan, nakasama rin daw ni DJ si Kath doon ng ilang araw.

Nakatakda ring pumunta si DJ sa US kasama ang mga kapatid nito. Sa susunod na buwan, sasabak na uli sa trabaho ang aktor at nakatakdang gumawa ng 2 pelikula ngayong taon.

Samantala, mukhang promising ang bagong comedy film na “Familia Blondina” nina Karla at Jobert sa direks-yon ni Jerry Lopez Sineneng. Sa trailer pa lang ay tawa na nang tawa ang members ng press sa ginanap na mediacon ng pelikula.

Talagang pumayag si Queen Mother na lait-laitin at okrayin sa pelikula lalo na ang kanyang pagiging plus size. Ayon kay Karla, wala siyang issue sa kanyang katawan lalo na’t pinagkaka-kitaan pa niya ito.

“Nu’ng napanood ko ng yung ilang eksena, grabe ang laki-laki ko, sabi ko nga diring-diri ako sa sarili ko. Kaya sabi ko sa mga nakakakuwentuhan ko huwag na silang manoood. Ha-hahaha! Pero habang sinasabi ko yun, mas lalo silang naku-curious panoorin,” kuwento pa ni Karla.

“Nakakapikon din naman minsan yung pinagtatawanan ka. Ha-hahaha! Pero kapag natawa sila sa pelikula masaya na rin ako. Very positive ang feeling namin sa movie na ito kaya sana panoorin n’yo.
“Masaya lang ito, pampamilya, para sa barkada, para sa lahat ng Fi-lipino na gusto lang tumawa. Pero siyempre may puso rin ito, may values na matututunan,” chika pa ni Queen Mother.

Ang “Familia Blondina” ay kuwento ni Cindy (Karla), isang babaeng iniwan ang kanyang pamilya at nagpunta sa Amerika para pakasalan ang dyowang US soldier at nagkaroon sila ng tatlong anak na lahat ay blond.

Pero nang mamatay ang asawang American na-shock si Cindy na baon pala sila sa utang kaya umuwi na lang sila sa Pilipinas para mag-isang itaguyod ang mga anak.

Sa gitna ng sunud-sunod na kamalasan, makikilala niya ang lalaking magpapatibok uli sa kanyang puso, si Tony Boy (Jobert) na isa ring biyudo at may dalawa ring blond na anak at dito na nga iikot ang nakakaloka at nakakatawang kuwento ng dalawang pamilya.

Feeling namin, ito na ang susunod sa yapak ng classic blockbuster family comedy film na “Tanging Ina” na nagluklok kay Ai Ai delas Alas bilang Comedy Queen. Sabi nga ni Karla, na tinagurian na namang Queen Mother of Comedy ipinagdarasal nila na maging successful ang kanilang pelikula para magkaroon pa ng part at part 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin dito sina Marco Gallo, Kira Balinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo at Awra Briguela.
Mula sa produksiyon ng Arctic Sky Entertainment at Cinescreen, showing na ang “Familia Blondina” sa Feb. 27 sa inyong mga favorite cinema nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending