Bitoy gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Pag ang driver e, mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay | Bandera

Bitoy gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Pag ang driver e, mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 05:40 PM
Bitoy gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Pag ang driver e, mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay

“SAMA ALL!” Yan ang title ng bagong tulang ginawa ng Kapuso comedy genius na si Michael V na may kaugnayan sa naging resulta ng 2022 national elections.

Kasabay din ito sa naganap na proklamasyon para kina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas at  Davao City Mayor Sara Duterte, bilang Vice President.

Sa kanyang Instagram account, nag-post kahapon si Bitoy ng imahe ng bandera ng Pilipinass, kalakip ang nilikha niyang tula. Narito ang kabuaang mensahe ng komedyante.

“Nag-iiba ang salita ‘pag ‘sinahog’ na sa tula.

“Mas lumalalim pa kapag isinadula.
Naka-‘facepalm” ‘yung isa, ‘yung isa nakanganga.
“Hindi magkaka-intindihan ang makata at ang tanga.

“Sa mga nagbabasa, basahin ninyo ng maigi;
“Sa mga kakampi ko makinig kayong mabuti;

“Quiet na lang muna kesa Sugod! o “Maghiganti!

“Sa susunod na eleksyon, do’n na lang tayo bumawi.

“United we stand, divided we fall.”

“Lahat ng talong kandidato, napapa-sana all.

“Kung daya man o peke, o may mahiwagang troll

“Tama bang sabihing 31 million ang nabudol?

“Busina rin paminsan-minsan at mag-menor sa salita.

“Baka trak na ang kasalubong, mahirap na ‘pag nabangga.
“Minsan trak, minsan kamao, minsan talim, minsan tingga…
“Kung hindi ka si Wonder Woman, hindi mo ‘yan masasangga!

“Mamâ o aleng jeepney driver, baka pwedeng hinay-hinay.

“Pag matindi ang banggaan pati pasahero damay.
“Mas gugustuhin kong lahat tayo e buhay.
“Pag ang driver e mahusay, iwas-gulo… iwas-lamay.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

 

“Kung tatakbo uli, dapat matuto tayo dito.
“Hindi sapat ang puso; lamang pa rin ang matalino.
“Hindi rin uubra ‘yung basta kahit na lang sino!
“Dapat ‘yung may ‘blue check’ at verified ang manok mo.

“Ibang-iba na nga ‘yung noon at ang ngayon.
“Hindi sapat ang tapang.
“‘Wag basta-basta maghamon. Hindi talaga kaya sa maikling panahon.
Kung paghahandaan natin, at least, anim na taon.

“Kung pakiramdam mo e IKAW NA talaga
“Maging kampante ka at ‘wag ka nang mag-alala.
“Ganyan naman ang bida sa mga pelikula
“Sa simula ng istorya, nagpapatalo muna.

“Maging alisto at matalino. “Magmasid bago mag-plano.
“Dapat e may hangganan; radikal man ang puso mo.
“Kung ayaw mong ma-subâ e ‘di ‘wag kang mag-abono!
‘”Wag ka nang magpa-apekto. Hindi wakas ang pagkatalo.

“Simple lang ang sinasabi ko, ‘wag nang lagyan ng kulay;
“Ito nama’y ‘kuwan’ lang… hindi naman ako nang-aaway.
“‘Wag basta-basta patol, ‘wag nang sayangin ang ‘yong laway.
“Weather-weather lang ‘yan! Ganyan talaga ang buhay.”

Related Chika:
Robi gumawa ng tula para sa bagong administrasyon: Demokrasya ay patuloy na igigiit at ako’y ‘di na muling pipikit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bitoy pumayag nang mag-taping sa studio ng ‘Bubble Gang’: Malakas na ang loob ko ngayon, vaccinated na ako, may booster pa

Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending