Daniel, Kathryn sa ibang bansa magse-celebrate ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa Bandera

Daniel, Kathryn sa ibang bansa magse-celebrate ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Daniel, Kathryn sa ibang bansa magse-celebrate ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa

Ervin Santiago May 25, 2022 - 06:46 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

SA ibang bansa magse-celebrate ang reel and real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng kanilang 10th anniversary bilang magdyowa.

Balitang sumunod na nitong Lunes, May 23, ang Kapamilya actor sa bansang kinaroroonan ngayon ni Kathryn kung saan nakatakda ang selebrasyon para sa kanilang ika-10 anibersaryo ng kanilang pagsasama bilang magkarelasyon.

Sa isang panayam kay DJ during  the Star Magic 30th All Star Games last May 22, nabanggit nga ng aktor na susundan niya ang girlfriend para sa kanilang much-needed vacation at anniversary trip.

“Si Kathryn nandu’n somewhere ngayon. Somewhere only we know. Secret lang pero tomorrow susunod ako. Kailangan ko lang siyempre magrepresenta.

“Anniversary namin. Magte-ten year anniversary na kami sa May 25 (ngayong araw) kaya du’n kami pupunta,” ani Daniel.

Wala ring binabanggit si Kath kung saan sila magdiriwang ni Daniel ng kanilang anniversary pero base sa mga post ng aktres sa Instagram, mukhang nasa Bangkok, Thailand sila ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


Isang litrato ang nakita namin sa IG ni Kath kung saan kasama niya ang kaibigan at travel buddy na si Alora Sasam na kuha sa isang bookstore na ayon sa ilang netizens ay matatagpuan sa Bangkok.

Samanta, nagpasalamat naman si  Daniel sa lahat ng nanonood ng bagong serye nila ni Kathryn sa ABS-CBN, ang “2Good2 Be True”

“Sobrang positive kasi nu’ng show. Good vibes yung show, feel good. Lalo na sa panahon ngayon sobrang sakto. I think du’n nanggagaling yung saya ng tao.

“I feel very blessed na after all these years na hindi kami nakapagserye and now nandito ang mga tao at galak na galak sa aming proyekto,” aniya.

Nauna rito, ibinahagi rin ni Daniel ang ilan sa mga sikreto ng solid na solid pa ring relasyon nila ni Kath na tumatagal na nga ng isang dekada.

“Communication, compromise, respeto sa isa’t isa. Yun ang hindi puwede mawala. And loyalty sa isa’t isa. Hindi na sikreto yun. Pero yun lang yung sa amin,” sabi ng binata.

Inamin din niya na looking forward na siya sa next level ng pagsasama nila ni Kathryn bilang magdyowa, “Siyempre I’m 27 years old. So after three, four, five years, you know, what’s the next move?

“What’s the plan, di ba? I have to go on with life. So ano yung kasunod nun? Abangan na lang natin. Mag-iipon lang muna ako ng konti. Siyempre ang dami pa nating gagawin,” pahayag ni Daniel.

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Daniel, Kathryn may hugot sa lock-in taping: Kapag paulit-ulit na ‘yung ginagawa mo, parang nakakapagod din…

Ria napa-throwback para sa 10th anniversary ni Arjo sa showbiz: I will always be your number 1 fan!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending