Vice dedma sa 'lipatan' isyu, tumutok sa UAAP Cheerdance showdown: O, tahkayoooo! Kavogue ang FEU! | Bandera

Vice dedma sa ‘lipatan’ isyu, tumutok sa UAAP Cheerdance showdown: O, tahkayoooo! Kavogue ang FEU!

Reggee Bonoan |May 23,2022
facebook
share this

Vice dedma sa ‘lipatan’ isyu, tumutok sa UAAP Cheerdance showdown: O, tahkayoooo! Kavogue ang FEU!

Reggee Bonoan - May 23, 2022 - 11:24 AM

Vice Ganda at ang FEU Cheering Squad

FOLLOW-UP ito sa nasulat naming iiwanan na umano ni Vice Ganda ang “It’s Showtime” dahil hindi pa inaanunsyo kung nag-renew na siya ng kontrata sa ABS-CBN o hindi na.

Base sa tsikahan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang vlog na in-upload sa YouTube channel nila kagabi ay kung may kontrata nga ang TV host ay dapat may anunsyo ito o baka kasi hindi pa expired ang kanyang kontrata.

Pero usap-usapan among netizens kung para saan ang meeting nina Vice at Direk Bobot Mortiz na alam naman ng lahat na nasa GMA 7 na ngayon matapos lumipat mula sa  Kapamilya network.

Nagtanong kami sa isang taga-Dos kung iiwan na nga ni Vice ang “It’s Showtime” at ang sagot sa amin ay, “Siya (Vice) lang ang makakasagot niyan.”

At tungkol naman sa meeting ng TV host kay direk Bobot ay, “Yung meeting niya kay Direk Bobot ang alam ko si direk Bobot ang producer ng concert ni Vice sa Dubai.”

Hayan may sagot na tungkol sa nangyaring meeting at makakahinga na siguro ang fans ni Vice tungkol sa isyu ng lipatan.

Kami rin ay naniniwalang hindi iiwan ni Vice Ganda ang ABS-CBN na ngayon pa ba kung kailan okay na ang network kahit walang prangkisa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay dedma si Vice sa chismis na lilipat o aalis siya sa Kapamilya network dahil abala siya sa panonood ng UAAP Cheerdance competition base sa tweet niya kahapon.

“Simple lang pala ang judging. True or Falls lang. #UAAPCDC2022.

“Imverna di ko na nawatch ang UST! #UAAPCDC2022.

“Ang galing nun impernez! Ang hirap kaya spell ang UE! Loveet! #UAAPCDC2022.

“Ang cute ng coach ng FEU! Mukhang kumpare ni Aquaman! #UAAPCDC2022

“O tahkayoooo!!! Kavogue ang FEU!!! Kahit madumi mga pagkain sa Hepa Lane. malinis ang performance! #UAAPCDC2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“NU pa lang ang bongga! #UAAPCDC2022.” Yan ang sunud-sunod na tweet ni Vice Ganda.

Vice Ganda nakipag-meeting daw kay Bobot Mortiz, tuloy na nga ba ang paglipat sa GMA 7?

Piolo sa pagbabalik-ABS-CBN: Ito ang pamilya ko, ito ‘yung bahay ko!

Kris nang matapos ang kontrata sa GMA: ‘Sige, kahit babaan n’yo na ang TF ko, kahit magkano lang po’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending