Piolo sa pagbabalik-ABS-CBN: Ito ang pamilya ko, ito ‘yung bahay ko! Bandera

Piolo sa pagbabalik-ABS-CBN: Ito ang pamilya ko, ito ‘yung bahay ko!

Reggee Bonoan |September 17,2021
share this

Piolo sa pagbabalik-ABS-CBN: Ito ang pamilya ko, ito ‘yung bahay ko!

Reggee Bonoan September 17, 2021 - 09:29 AM

Piolo Pascual

“IT FEELS good to be home!” Ito ang bahagi ng pahayag ni Piolo Pascual sa pagpirma niya ng bagong kontrata sa Kapamilya network kahapon, Set. 16.

“And I’ve never left anyway pero I’m just really happy and grateful for the moment to be back and to be welcome by my bosses, my family and it’s a good feeling to be here,” ang ipinagdiinan ng aktorm

Sinalubong si Piolo nina ABS-CBN CEO headed Carlo Katigbak, COO for Broadcast Cory V. Vidanes, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, Group CFO at ABS-CBN Corporation Rick Tan, Jr., at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Tama naman ang sinabi ng aktor na “I’ve never left anyway” dahil noon pa man ay sinabi na niyang, “I’ll se you soon” at kahapon ang tamang panahon ng pagbabalik Kapamilya ng aktor.

“Once a Kapamilya always a Kapamilya,” ang paniniwala pa ni Papa P.

“It’s a one way of kind of returning the favor kasi di ba, they took care of me for so long and this is high time for me to kind of you know, at least you know give back ‘yung kabaitan na opportunity na ibinigay sa akin through the years.

“And this is the best time to show our support and loyalty and ganu’n and to quote my boss, sir Carlo sabi niya, ‘masakit siyempre pag umalis pero mas masakit kasi you know we’re not in a good position.’

“So, I don’t wanna add insult to the injury. I don’t want to add more hurt to the station that’s why I also stayed and ito ‘yung pamilya ko, eh, ito ‘yung bahay ko so there was no reason for me to leave,” ani Piolo sa panayam ng ABS-CBN.

Nabanggit pa na bago pa ang naganap na pirmahan ng kontrata ay nakausap na ng aktor ang mga bossing ng network projects para sa mga gagawin niya kapag nagbalik na siya sa network at isa na nga riyan ang Pinoy remake ng Korean drama na “Flower of Evil” kasama ang bagong Kapamilya artist na si Lovi Poe.

Kung si Lovi ay sobrang excited at masaya sa pagtatambal nila ng dream leading man niya ay ganu’n din si Piolo.

“I got really excited to be able to work with Lovi Poe as we said a while ago, it’s signed sealed and delivered before the year ends we’re gonna do couple of lock-ins for the series, so excited ako do’n. Excited na ako bumalik sa TV,” masayang pahayag ng aktor.

Isang sitcom naman ang nabanggit na pagsasamahan nila ni Angelica Panganiban.

Ang huling teleserye nina PJ at Angge ay ang “Apoy sa Dagat” noong 2013 at ang huling pelikula nila ay ang “Every Breath U Take” noong 2012 at isa naman ang aktor sa producer (Spring Films) ng animated movie na “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” na ipinalabas sa Netflix noong 2020. Ginamit naman dito ang boses ni Angelica.

At bago magtapos ang panayam ay sinabi pa ng aktor, “Ako si Piolo Pascual, Kapamilya forever.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending