Zanjoe nagpaka-wild sa sex scenes; Kylie naisulong ang mental health advocacy sa bagong movie | Bandera

Zanjoe nagpaka-wild sa sex scenes; Kylie naisulong ang mental health advocacy sa bagong movie

Ervin Santiago |May 22,2022
facebook
share this

Zanjoe nagpaka-wild sa sex scenes; Kylie naisulong ang mental health advocacy sa bagong movie

Ervin Santiago - May 22, 2022 - 07:21 AM

Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo

ANG lakas din pala ng chemistry nina Zanjoe Marudo at Kylie Verzosa na first time ngang nagkatrabaho via Vivamax original movie “Ikaw Lang Ang Mahal.”

In fairness, umani ng papuri ang dalawa pagkatapos ng private screening ng kanilang pelikula kamakalawa ng gabi na ginanap sa isang sinehan sa Quezon City.

Palabas na ngayon sa Vivamax ang “Ikaw Lang Ang Mahal” na idinirek ni Richard Somes na todo rin ang pasasalamat dahil puro positibo rin ang natanggap niyang komento mula sa mga members ng entertainment media na um-attend ng premiere night.

Iikot ang kuwento ng pelikula kay Lira (Kylie), isang best selling author na pamangkin ng isa sa mga national artist na hinahanap ni Andrei (Zanjoe).

Magiging malapit sila sa isa’t isa dahil tutulungan ni Lira si Andrei na mainterbyu ang mga national artist na naninirahan na sa Sagada para sa ginagawang documentary.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


Ngunit hindi alam ni Andrei na may pinagdaraanang mental health problems si Lira dahil sa kanyang nakaraan. Balak muna niyang tapusin ang ikatlo niyang nobela bago ituloy ang matagal nang balak na magpakamatay.

Ayon kay Kylie, agad niyang tinanggap ang proyekto dahil nga isa sa mga advocacy niya ang mental health awareness bilang isa rin siya sa mga naka-experience noon ng matinding depresyon.

“I want more people to know about what people go through, to be more aware of depression and mental health. Gusto kong maipagpatuloy ang advocacy ko sa pamamagitan ng film.

“Kaya po nu’ng pini-pitch sa akin itong movie na ito, sabi ko, ‘Akin na ito, please. Sobrang swak sa akin. It would mean so much to me.’ Sobrang I fell in love talaga with the material,” sabi ng dalaga.

Malaking bahagi rin ng movie ang ginawang tula ni Kylie na may titulong “Dilim.” Sa halip daw na yung dialogue niya sa script ang ipinabasa sa kanya ni Direk Richard, ang tula niya ang ginamit sa nasabing eksena.

View this post on Instagram

A post shared by Kylie Verzosa (@kylieverzosa)


Kuwento pa ni Kylie, naging mahalagang bahagi rin ng pelikula ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca. Hindi pa raw sila hiwalay ng aktor nang gawin niya ang “Ikaw Lang Ang Mahal.”

“Gusto ko lang pong sabihin na noong isinu-shoot namin ‘to, Jake was a very big part of my process of building Lira dahil malaki po ang inspirasyon niya sa buhay ko noon.

“Kaya hanggang ngayon, malaki po ang pagpapasalamat ko sa kanya dahil malaking parte ng journey ni Lira si Jake,” sabi pa ni Kylie sa ginanap na presscon after ng private screening ng “Ikaw Lang ang Mahal.”

Sa mga nagtatanong naman tungkol sa love scenes nina Zanjoe at Kylie, marami-rami rin silang intimate moments sa movie lalo na ang pagchuchurvahan nila sa tuktok ng bundok.

Talagang naghubo’t hubad ang dalawang bida kesehodang napakapalamig sa bahaging iyon ng Sagada! Bukod pa riyan ang mga nakakalokang sex scenes ni Zanjoe with Cara Gonzales and Lara Morena.

Sure na sure kaming maloloka kayo sa pinaggagawa rito ni Zanjoe dahil kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nagpaka-wild ang Kapamilya actor sa pelikula.

At para sa lahat ng hindi pa nakakapanood, ihanda n’yo na lang ang inyong mga sarili sa ending ng movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa pelikula sina Ronnie Lazaro, Evangeline Pascual at Joel Torre na may kanya-kanya rin paandar at pasabog na eksena.

Zanjoe sa mga cheater: Itutuloy mo ba o iisipin mo ‘yung mga taong masasaktan at matatapakan mo?

Zanjoe habang nagte-taping ng bagong serye: Para kayong namboboso, ganu’n ‘yung naramdaman ko

Zanjoe super loyal pa rin sa ABS-CBN, Star Magic: Hindi yun mababayaran ng kahit ano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending