'Ang Probinsyano' nalalapit na ang katapusan, sey ni Cristy Fermin: Siguro naumay na rin mismo si Coco? Bandera

‘Ang Probinsyano’ nalalapit na ang katapusan, sey ni Cristy Fermin: Siguro naumay na rin mismo si Coco?

Reggee Bonoan |May 13,2022
share this

‘Ang Probinsyano’ nalalapit na ang katapusan, sey ni Cristy Fermin: Siguro naumay na rin mismo si Coco?

Reggee Bonoan May 13, 2022 - 04:10 PM

Ang Probinsyano nalalapit na ang katapusan, sey ni Cristy Fermin: Siguro naumay na rin mismo si Coco?
TRULILI kaya na hanggang July 2022 na lang ang longest running aksyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano?

Isa ito sa napag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.5 News FM na may nagbulong nga raw sa una na tatapusin na ang kuwento ni Cardo Dalisay in two months.

“Siguro naumay na rin mismo si Coco, ano?” saad ni nanay Cristy.

Say naman ni Romel Chika, “siguro ‘nay ‘yung kuwento wala na talagang pupuntahan, eh.”

Anyway, ang papalit sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay ang “Darna” ni Jane de Leon kaya pala may anunsyo na magbabao ng oras ang ilang programang napapanood sa primetime.

Samantala, naka-break ang taping ng “Ang Probinsyano” dahil kaka-post lang ngayong araw ni John Estrada sa kanyang Instagram account ng larawang kasama ang mga anak at asawang si Priscilla Meirelles sa kanilang bahay sa malapit sa The Orchard Golf and Country Club.

Ang caption ni John sa larawan nilang mag-anak, “This is US …. The Estradas.

“A little bit of crazy ..
“A little bit loud …
“And whole lot of LOVE

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Estrada (@john__estrada)

“My daughter Anechka is not in the pic cos she has to sleep early for school btw ….”

Nagbiro pa ang aktor na gumaganap sa karakter na Armando sa “Ang Probinsyano” na ang boyfriend ng panganay niyang anak ay kaanak ni Cardo Dalisay.

“If ur wondering who the other guy is??? That’s the boyfriend of my daughter Moira …. his name is Migs Dalisay …. kamag anak pa ata ni Cardo Dalisay. But I like him … mabait na bata.”

 

Related Chika:
John Arcilla nag-react sa ‘unli bala’, ‘unli tauhan’ comment laban sa Probinsyano: May magagalit!

Coco Martin muling nanggulat sa bagong pasabog ng ‘Ang Probinsyano’; Fifth Solomon may pa-dyowa reveal

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending