Ruffa hindi nagmamadali sa love life: Malay mo ending ko Pinoy naman talaga Bandera

Ruffa hindi nagmamadali sa love life: Malay mo ending ko Pinoy naman talaga

Reggee Bonoan |May 12,2022
share this

Ruffa hindi nagmamadali sa love life: Malay mo ending ko Pinoy naman talaga

Reggee Bonoan May 12, 2022 - 06:47 PM
Ruffa hindi nagmamadali sa love life: Malay mo ending ko Pinoy naman talaga

RUFFA GUTIERREZ

“ALAM ko naman nan a I’m not gonna grow old alone. I will have someone to hold hands with until my dying day,” ito ang pahayag ni Ruffa Gutierrez sa panayam niya kay Ogie Diaz sa vlog nito na in-upload ngayong araw sa YouTube.

Tanong ni Ogie, “hindi pa ba dumarating?”

“Hindi natin masasabi only time will reveal who that person is,” napangiting sagot ng aktres na ikinatawa ni Ogie at sabay apir nilang salawa.

Hindi naman kasi lingid sa publiko na may magandang samahan ngayon sina Ruffa at dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista na inamin naman din ng huli aa panayam niya noon kay Ogie na special niyang kaibigan ang aktres.

Sa pagpapatuloy ni Ruffa, “hindi natin masasabi ‘yan kasi my prayer as of last year after I broke up with my 7-year boyfriend, I’m a long termer eh, so, I don’t have just casual affairs.

“I prayed and sabi ko, ‘God send me someone that will be in my life forever. In the sense that I don’t want anymore detours. Kasi marami namang pumoporma, nagpaparinig (at) nagpaparamdam, pero if they’re just a waste of time and they’re not serious, please ilayo n’yo sila sa akin. ‘Yun ang prayer ko.”

Balik-tanong ng host/talent manager, “so para magpatuloy si Herbert Bautista hindi siya masamang tao kaya patuloy mo siyang ini-entertain?”

“Hindi ko alam kung siya ‘yung answered prayer ko or not. Like I’ve said, only time will reveal kung ano ba talaga, so, that’s why hindi ako nagmamadali. Kasi kung nagmamadali tayo minsan kung ano ang gusto natin ng para sa atin, hindi naman ‘yun ang gusto ng Diyos para sa atin and I always follow my heart.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)

“Why not pray for someone this time and see who God wants for us, di ba? As you know ‘wag na tayong magkunwari Herbert Bautista is not my peg!

“I used to go out with tall, dark you know Mediterranean foreigners (natawa), di ba? And he’s so Pinoy ha, ha, haha.

Sabay bati kay HB, “hello, hi Bistek? Malay mo ending ko Pinoy naman talaga hindi natin masasabi.”

Samakatuwid ano ang tunay na estado ng relasyon nina Ruffa at Herbert?

“Aba, ikaw in-interbyu mo siya,” balik-tanong ni Ruffa kay Ogie.

“E, sabi niya kasi walang label, uso pa ba ‘yung labelling?” sabi naman ni Ogie.

“O di ba? Sabi nu’ng isang fan sa akin and I told him, ‘hello even sardines have labels’ sabi kong ganu’n ha, ha, haha.

“Anong walang label, nakakaloka ka! Alam mo kasi most men are not emotional. They can articulate with themselves. Well, he messages me 25 times a day at oo nabibilang ko talaga ha, ha, haha. Kasi siya lang din naman ang kausap ko,” pambubuking ni Ruffa.

Hirit ni Ogie, “kung nabibilang mo ibig sabihin interesado ka rin sa guy.”

“You know kasi si Herbert, I have a pet name for him but anyway it’s a secret. Sa mga Marites diyan na nagsasabing ‘naku ano ba ‘yan matanda na kayo hindi na dapat nai-in love. We feel so sorry for you guys because it is a very extra ordinary feeling to be in love.

“And love comes no matter what age, hindi siya pang-teenagers lang. I think if you love someone, it’s good you should express that, so, ‘yung mga marites diyan ‘wag ninyong sabihin na kahit matanda ay hindi na puwedeng ma in love. They (marites) they have miserable lives,”paliwanag mabuti ng aktres.

Inamin naman din ni Ruffa na malaki ang nabago sa kanya ni Herbert dahil sa ginawa nitong pag motivate sa kanya para muling mag-aral at iba pa.

“We’re just happy and tama ‘yung sinabi niya na I’ts a mature relationship and I welcome that because ayaw ko ng ma-stress sa buhay, di ba?

“I love taking it slow, we’re just enjoying each others company now kasi matagal ko na siyang kilala 13 years old palang ako,” kuwento ng special ni HB.

So, hindi na kailangan ng label, “ewan ko sa kanya. Ako, I don’t care! I’m not into labels I mean I’m very secure if there, then he’s there and he’s not, I don’t care. Hindi naman ako clingy, eh,” diretsahang sabi ni Ruffa G.

At dahil nga dating politiko si Herbert ay naisip ng ibang marites nab aka kaya okay kay Ruffa ay dahil may pera ito lalo’t nagpapa-aral ang aktres ng mga anak niya na ang panganay ay sa ibang bansa nag kolehiyo at susunod na rin ang bunso in two years time.

“First date namin nagko-compute na kami ng school ni Lorin, hindi siya ang nagbayad ha, ako ang nagbayad.

“Kasi some people are saying na that I only like him for his money. Hindi ko pa po natitikman. I only try food that he gives at home not his money,” tumawag sabi nito sabay apir kay Ogie ulit.

At diretsahang inamin ni Ruffa G na wala siyang balak magpakasal, “I don’t even know if I’m gonna get married again because of my experience of being married is very traumatic. I wanna take my time hindi ako in a rush to get married, so, I think that’s why we get along, kami ni Herbert kasi hindi namin napag-uuapan ‘yun.”

Hindi rin kasi pinag-uusapan ang tungkol sa kasal ni Herbert kahit may apat na anak na siya sa magka ibang nanay.

Related Chika:
Ruffa umamin na sa tunay na relasyon nila ni Herbert: #1 sa puso ko!

Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

‘Status’ nina Herbert at Ruffa walang label: Uso pa ba yun? Basta it’s a mature relationship

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending