Jo Berry first time rumampa sa Santacruzan; pilot episode ng 'Apoy Sa Langit' ni Mikee Quintos wagi agad | Bandera

Jo Berry first time rumampa sa Santacruzan; pilot episode ng ‘Apoy Sa Langit’ ni Mikee Quintos wagi agad

Ervin Santiago |May 04,2022
facebook
share this

Jo Berry first time rumampa sa Santacruzan; pilot episode ng ‘Apoy Sa Langit’ ni Mikee Quintos wagi agad

Ervin Santiago - May 04, 2022 - 07:39 AM

Jo Berry at Mikee Quintos

UNANG episode pa lang ng bagong afternoon series ng GMA 7 na “Apoy Sa Langit” ay nagetsing na agad nito ang atensiyon ng mga manonood.

In fairness, talagang tinutukan ng Kapuso viewers ang world premiere ng “Apoy sa Langit” dahil pinag-usapan nga ito nang bonggang-bongga pati sa social media.

Ito’y pinagbibidahan nina Zoren Legaspi, Maricel Laxa, Mariz Ricketts, Mikee Quintos, Lianne Valentin at marami pang iba, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Sa pilot episode ng “Apoy Sa Langit” ay ipinakita na kung paano nauwi sa trahedya ang masayang buhay ng pamilya Hidalgo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikee Quintos (@mikee)


Ipinasilip na rin ang mga sakripisyong ginawa ni Rey Hidalgo (ginagampanan ni Ramon Christopher) para sa kanilang pamilya.

At pagkatapos nga ng unang pasabog ng serye ay kanya-kanya nang post ang mga netizens ng kanilang reaksyon sa social media na halos lahat ay puro magaganda at positibo.

Marami rin ang nagkomento na susubaybayan nila hanggang ending ang “Apoy Sa Langit” at excited na sila sa itatakbo ng kuwento nito.

Napapanood ang “Apoy sa Langit” mula Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

* * *

Sa kauna-unahang pagkakataon, naranasan ng Kapuso actress at “Little Princess” star na si Jo Berry ang maging bahagi ng Santacruzan.

Tuwang-tuwa ang dalaga sa naging first Sagala experience niya na ginanap sa Malabon City.

Nag-share si Jo sa kanyang Instagram account ng ilang litrato na kuha sa sinalihang Santacruzan kasabay ng pagpapasalamat sa co-star niya sa “Little Princess” na si Angelika dela Cruz na siyang nag-imbita sa kanya sa naganap na Flores de Mayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelika Dela Cruz 💜 (@angelikadelacruz)


Aniya sa caption ng kanyang mga IG photos, “First time ko ma-invite mag-sagala hihi nag-enjoy ako!

“Thank you Nanay kong maganda Nay Elise Kap. Angelika Dela Cruz and Council. Thank you Brgy. Longos, Malabon,” mensahe pa ni Jo Berry.

Sunud-sunod naman ang magagandang comments na natanggap ng aktres sa kanyang Santacruzan experience kabilang na riyan ang mga kapwa niya Kapuso celebrities.

Proud na proud sa kanya ang ilang kaibigan sa showbiz tulad nina Ashley Ortega, Rochelle Pangilinan, at ang leading man niya sa “Little Princess” na si Rodjun Cruz.

https://bandera.inquirer.net/312399/mikee-quintos-pasado-na-bilang-ultimate-leading-lady-tanggap-ng-fans-kahit-sino-ang-ka-loveteam

https://bandera.inquirer.net/295691/jo-berry-nagluluksa-pa-rin-sa-pagpanaw-ng-3-mahal-sa-buhay-2-bubble-gang-babes-susugod-sa-tbats

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280655/kyline-mas-tumindi-pa-ang-hugot-sa-pamilya-buboy-bibida-sa-life-story-ni-betong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending