Dick Gordon trending sa social media, di na bet iboto ng 'Kakampinks' | Bandera

Dick Gordon trending sa social media, di na bet iboto ng ‘Kakampinks’

Therese Arceo - May 01, 2022 - 06:52 PM

Dick Gordon trending sa social media, di na bet iboto ng 'Kakampinks'

TRENDING ngayong ang senatorial candidate na si Dick Gordon matapos marinig ng buong madlang pipol ang kanyang aktuwal na paninigaw sa isa sa mga staff at volunteer sa nagdaang people’s rally ng tambalang Leni Robredo at Kiko Pangilinan sa Batangas nitong Sabado, April 30.

Base sa video na kumakalat sa social media, ay tila galit ito at naglabas ng sama ng loob ukol sa limitadong oras na ibinibigay sa kanila ng mga organizer para ihayag ang kanilang mga plano at plataporma sa mga taong dumadalo sa campaign rallies.

“I’d like to apologize because naguguluhan ako kanina nandoon na ako pinabalik ako. May medic pinalabas ko yung Red Cross, I’m sorry we are not allowed to speak as much as we want and that’s what concerns me,” saad ni Gordon.
Dagdag pa niya, “What concerns me is nandito tayo, marami tayo you have to know what you’re fighting for, but without the commitment, without the thinking, without the emotion, without the passion, we are not able to beat these people and you have to stand now and until May 9. Kaya natin? Kakayanin!”

Matapos ang pagsasalita ni Gordon sa harap ng mga Kakampinks ay maririnig ang boses niya habang pinapagalitan ang isang staff.

Aniya, ““Hinarang ninyo ako doon, nagsasalita ako. Ano bang gagawin ko? Ayoko nang pumunta dito. O ayan, hawakan mo na!”

Agad namang humingi ng tawad ang kausap niyang staff ngunit tila hindi ito tinanggap ng senador.

“Oh you’re not sorry, you do that all the time,” saad muli ni Gordon.

 

 

Makikita naman sa video na tila natahimik ang lahat ng dumalo sa rally matapos marinig ang pagsigaw ng senador.

Kaya naman hindi kataka-taka na marami ang nagka-“cancel” kay Gordon dahil sa ipinakita nitong kasamaan ng ugali.

May mga ilan rin na tuluyan na siyang tinanggal sa kanilang listahan sa ibobotong senador.

Sa Twitter ay marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa ginawa ni Gordon.

“I was there actually and because I am at the back I can’t hear what’s Dick Gordon saying. When he went out nobody cheered for him lol. He has this vibe that’s quite intimidating and prideful. In short, I never liked him because I can feel that he has some attitude problems,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Yikes. Dick meltdown caught on audio. Alam naman nating lahat what a trapo Dick Gordon is. This is him just proving us right.”

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang senatorial candidate ukol sa kinakaharap na kontrobersiya.

Bukas naman ang Bandera para sa panig ni Dick Gordon.

Other Stories:
Gordon binatikos ng netizens; nabastusan sa ginawa kay Connie Sison

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pulitika sa nasyonal na halalan, nagliliyab na

Migz Zubiri opisyal nang tinanggal sa Senate slate ng tambalang Leni-Kiko

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending