PRC nanawagan sa publiko: Itigil ang ‘prank calls’ sa 143 hotline!

PRC nanawagan sa publiko: Itigil ang ‘prank calls’ sa 143 emergency hotline!

Pauline del Rosario - August 20, 2023 - 05:58 PM

Balita featured image

MAY pakiusap at panawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko kaugnay sa maling paggamit ng “143 emergency hotline.”

Ayon kasi sa ahensya, mas marami ang natatanggap nilang “prank calls” kaysa sa mga may seryosong emergency situation.

Base sa inilabas na data mula sa PRC Operations Center noong August 14, 78 percent ng mga tawag ay puro non-emergencies at prank calls.

Karamihan ng mga tumatawag ay ibinaba ang telepono matapos batiin ng mga kinatawan ng nasabing ahensya.

Dahil diyan, binigyang-diin ni PRC Chairman Richard “Dick” Gordon ang kahalagahan ng pagpapanatiling available ang hotline para sa mga tunay na emergency.

Baka Bet Mo: COVID-19 ‘public health emergency’ sa Pilipinas pinawalang-bisa na ni PBBM

“Let us deter abuse and disallow prank calls to PRC’s 143 Hotline because we need to respond to emergency situations as urgently as possible,” sey ni Gordon.

Sinang-ayunan naman ito ni PRC Secretary-General Gwen Pang at sinabing dapat mas bigyan ng prayoridad ang mas nangangailangan ng tulong.

Sambit niya, “We must prioritize the 143 hotline for people facing emergencies like road accidents or health crises.”

“The line should be reserved for calls needing immediate attention,” dagdag pa niya.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Aquino may ‘medical emergency’, pupunta sa Amerika para magpagamot

Transaksyon ng gobyerno sa PRC puputulin kung hindi ipapa-audit ang pondo nito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending