Piolo nabiktima ng nakakalokang prank call ni Bea: Adik ka! Yun na yun! | Bandera

Piolo nabiktima ng nakakalokang prank call ni Bea: Adik ka! Yun na yun!

Ervin Santiago |April 04,2022
facebook
share this

Piolo nabiktima ng nakakalokang prank call ni Bea: Adik ka! Yun na yun!

Ervin Santiago - April 04, 2022 - 07:02 AM

Bea Alonzo at Piolo Pascual

“GUSTO ko lang tanungin kung totoo kung may sama ka ng loob sa akin?”

Yan ang diretsahang tanong ng Kapuso actress na si Bea Alonzo kay Piolo Pascual na may konek sa paglayas niya sa ABS-CBN at paglipat sa GMA 7.

Makalipas nga kasi ang halos 20 taong pagiging Kapamilya ay nagdesisyon ang dalaga na mag-ober da bakod sa Kapuso station.

Dekada na rin ang itinatagal ng pagkakaibigan nina Bea at Piolo na unang nagkasama sa Star Cinema movie na “Dreamboy” na ipinalabas  noong 2005.

Tinawagan ng award-winning actress si Piolo sa cellphone para nga komprontahin ito, “Pi, kakausapin sana kita, e. Ang weird lang. Di ba ok tayo?”

“May nakausap kasi ako. Gusto ko tanungin ka nang diretso. Parang nag-air ka yata ng sama ng loob tungkol sa paglipat ko sa taong kausap ko. Siyempre di ko na sasabihin kung sino.

“Parang, may nasabi ka na you didn’t like that I went to GMA. Things na parang medyo hurtful for me.

“Kasi magkausap pa tayo the last time. Magka-Viber tayo. Gusto ko lang tanungin kung totoo kung may sama ka ng loob sa akin?” ang sabi ni Bea kay Piolo.

Tinawagan ng aktres ang Kapamilya actor at TV host nitong nagdaang April 1 para i-prank call ito para maki-ride sa April Fool’s Day. Mapapanood nga ito sa YouTube vlog ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Mapapakinggan nga sa vlog entry ng dalaga ang naging usapan nila ni Piolo na mariing itinanggi ang paratang sa kanya ni Bea.

Paliwanag ng binata alam niyang wala siyang karapatang kuwestiyunin ang naging desisyon ni Bea na iwan ang ABS-CBN at lumipat sa kalaban nitong istasyon.

“Sa totoo lang, sorry ha, kung sino man source mo, sabihin mo kausapin ako kasi ba’t naman ganun? Ba’t naman sasama loob ko sa ‘yo?

“That’s your choice. Di ko alam kung saan nanggagaling ‘yan, Bea.

“Pero sorry, yung mga nasabi mo, I don’t think…bakit naman sasama loob ko sa ‘yo?” ang depensa ni Piolo.

Pagpapatuloy ni Bea sa kanyang pagpapa-prank, “Pero wala ka namang ibang kinasasama ng loob sa akin at all?”

“Uy, ano ka ba? My gosh! Weird! Oh gosh,” ani Piolo. Dugtong pa niya,  “Nalungkot ako nu’ng lumipat ka, pero hindi masama loob ko.

“Parang that’s your decision, di ba? Kung sino man umalis, kung sino man lumipat, siyempre you’ll feel bad about it.

“Pero you don’t even have the right to say na masama loob mo,” sagot pa ni Piolo kay Bea.

Sa puntong ito, talagang pigil na pigil na ang tawa ni Bea dahil seryoso na si Piolo sa mga pahayag nito. Pero siya rin ang unang bumigay sa kanyang prank call.

“Alam mo yung akala ko talaga magkaibigan tayo. Matagal na…wala lang, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na prank call ito!” pag-amin ng aktres.

Sabi naman ni Piolo, “Adik ka. Yun na yun?!”

Reaksyon naman ni Bea, “Nakakainis ka! Wala man lang ako makuha sa ‘yo. Parang mas kinabahan pa ako kesa sa ‘yo.

“Hay naku! Joke lang yun. Yun lang! Love you!” aniya pa.

Bago pa sila tuluyang magpaalam sa isa’t isa, in-invite pa ni Bea si Piolo na magkita na sila nang personal dahil super miss na raw niya ang binata.

Chika naman ng aktres nang matapos ang call, “I think ang baduy ko mag-prank call, guys.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Feeling ko nga alam na ni P na prank call lang, e. Umakting lang siya para di ako mapahiya,” ang humahalak na chika ni Bea.

Luis hinamon si Derek: Mag-video call tayo nang hubo’t hubad!

#Biktima: John Lloyd, Alex pinagtripan ni Maja, pero hindi umubra ang drama kay Aiko

B-day message ni Jessy kay Luis: Super proud ako na tawagin kang husband ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending