Gordon binatikos ng netizens; nabastusan sa ginawa kay Connie Sison
NABASTUSAN ang mga manonood at ang netizens sa ginawa ni Sen. Dick Gordon sa Kapuso news anchor na si Connie Sison.
Binara-bara ng senador si Connie sa panayam nito kanina sa “Unang Balita” ng Unang Hirit tungkol sa isinasagawang COVID-19 PCR (polymerase chain reaction) test sa mga nag-uwiang OFW.
Ang Philippine Red Cross na pinamumunuan ni Sen. Gordon ang in-accredit ng DOH para sa swab test ng mga OFW na kailangan nilang pagdaanan bago makauwi sa kani-kanilang tahanan, lalo na ang mga taga-probinsya.
Nu’ng una ay maayos pa ang takbo ng panayam ngunit medyo nagkaroon na ng tensiyon nang matanong na ni Connie ang senador tungkol sa presyo ng PCR testing na nagkakahalaga ng P4,500.
Ayon kay Gordon P3,500 lang ang singil sa PCR testing kasabay ng pagpapaliwanag ng prosesong ginagawa nila para ma-test ang mga OFW at kung bakit natatagalan ang paglabas ng resulta at certification.
Pinayuhan pa ni Gordon na magpa-test na lang sa iba ang mga nagrereklamo sa mahal at mahabang proseso ng pagpapa-test sa Red Cross.
Nang sumingit na si Connie para sa huli niyang tanong ay biglang nagsalita ang senador, “Can you listen to me please? Kasi parang ‘di ka nakikinig.
“Sorry, I’m just being frank. Importante mga sinasabi namin. Dapat ang maintindihan ng tao, we have to test, and there is payment because ‘yung China, sinisingil tayo niyan.
“Yung mga (provider ng) testing kits, sinisingil tayo niyan. Tinataas pa nga nila, gusto nila, ‘pag bumili ka ng isang machine ngayon, bibili ka ng 20,000 to 30,000 test kits. Magkano isa ‘yun? 15 to 18 dollars. Milyun-milyong dolyar na ‘yun,” pahayag ni Gordon.
Sagot naman ni Connie, “Sir, this is the reason why we’re actually getting your side, para mas maplantsa.” Na agad sinagot ng senador ng, “There is no side! Excuse me, there is no side!”
“Okay, at least your opinion on this. Kasi eto ho ang tanong din ng ating mga kababayan, Sir,” kalmado pa ring tanong ni Connie.
“No, no! Don’t tell us na meron kayong pagsasabungin kami,” inis pa ring sabi ni Gordon.
Sa huli, magalang at marespeto pa ring nagpasalamat at nagpaalam si Connie sa senador, “Alright, Senator. Naku, magandang umaga naman ho naman sa inyo.”
Sagot naman ni Gordon, “Hindi! Pagod na kami!” Na sinagot ni Connie ng, “Thank you so much for your time, Senator Dick Gordon.”
“Sige!” ang iritable at halatang napikong sagot ni Gordon.
Narito ang ilang comments ng netizens na nakapanood sa nasabing interview.
Sabi ni @LoyolaArnie, Grabe ka Senator Dick Gordon! Etong interview ni Connie Sison sayo ay paraan lamang para malaman ng mga tao ang hakbang ng Red Cross sa Fight Against Covid-19, people wanted answers to their questions. Pero the way you answer, is a big wow!”
Comment ng isa pang netizen, “That was a live interview. People wanted answers to their questions and concerns. Kaya sila nagtatanong is because hindi sila aware sa sistema. Anong mahirap sa mag-eexplain ka ng ginagawa niyo without showing your frustrations? Si Connie Sison pa sinabihan mo na ‘di nakikinig?
“So unprofessional Dick Gordon, ‘pagod na kami’ so halatang napipilitan ka lang na tulungan kapwa mong Pilipino dahil nanunumbat ka? anong klase kang senator, kudos kay ma’am connie for staying calm!!!” ani @leenqttt_.
“Wow! Dick Gordon living up to its name. Being a real ****. How unprofessional!!!” sabi ni @emmantotes.
“Dick gordon, hiyang hiya naman sa’yo yung mga totoong frontliners na pagod na pagod din. #dickgordon #Covid19 #COVID.”
“On a scale of 1 to DICK GORDON, gaano ka kabastos???”
“Hoy dick gordon pagod kana?!! Alam mo ba ibig sabihin ng pagod ha??Ikaw nagpapasarap sa lamig na aircon ang mga mahihirap nasa initan, ikaw nakakotse sa byahe mo ang mga mangggawa nglalakad lang, ikaw kumakain ng pde mo kainin ang mga pulubi tiratira lang!!! So sino mas pagod ha!”
“Dick Gordon’s interview right now with Unang Hirit is one of the most unprofessional things I’ve ever listened to. Hindi excuse ‘yung pagod na sila sa Philippine Red Cross para maging mapanumbat siya.”
“Could understand his frustrations since Red Cross is now carrying the weight of testing on its shoulders but he could have been more professional to the interviewer. He could always just curse the IATF and the DOH in private. That should be no problem.”
Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng senador. Agad naming ilalathala ang kanyang reaksyon sa mga negatibong komento laban sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.