Ate Dick waiting sa bwelta ni Juliana Parizcova matapos iendorso ni Vice si VP Leni
NAKAABANG na ang pink pawikan at komedyanteng si Ate Dick o Inah Evans sa susunod na hirit ng Miss Q&A Grand Winner na si Juliana Parizcova Segovia kung may patutsada ito laban sa Unkabogable Star Vice Ganda.
Matatandaang nitong April 23, Pasay people’s rally ng tRoPang Angat ay pormal nang inendorso ni Vice ang kandidatura ni si Vice President Leni Robredo bilang presidente sa darating na eleksyon.
Ni-retweet ni Ate Dick ang post ng mula sa Barakos for Leni na may larawan nina Juliana at Vice na may nakasulat na basher ni Lenlen (Juliana) at supporter ni Lenlen (Vice Ganda).
Saad niya, “Juskopo. So kumusta si Juliana? Binash niya na ba si Meme katulad ng pambabastos niya kay VP? Excited ako for her talaga lol.”
Juskopo.
So kamusta si Juliana? Binash niya na ba si Meme katulad ng pangbabastos niya kay VP? Excited ako for her talaga lol https://t.co/NyAn0N6125
— Ate Dick (Inah Evans) (@_AteDick) April 25, 2022
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may patutsada si Ate Dick sa kapwa komedyanteng si Juliana.
Noong April 17 ay may tweet rin ito ng screenshot ng post ni Juliana kung saan binabatikos nito si “Lenlen” sa kanilang digital series na ipinapalabas sa social media pages ng VinCentiments.
“B*b* ka talagang animal ka. Kahit uata SOGIE di mo kaya i-explain,” sey ni Ate Dick.
Samantala, nilinaw naman na noon ni Juliana na maayos ang samahan nila ni Vice Ganda bago pa man ang naturang pag-endorso nito kay VP Leni.
Nauna na kasing kumalat ang chika na may iringan daw ang dalawa nang isnabin daw ni Meme si Juliana sa Miss International Queen Philippines.
Paglilinaw ni Juliana, “Wala pong katotohanan yung mga lumalabas na balita na dinedma raw ako ni Meme Vice sa MIQ Philippines.
“Actually, ang totoo po n’yan, ako ‘yung lumapit kay Meme. Nagbeso kami, nagyakapan kami so wala pong katotohanan ‘yung mga lumalabas na hindi ako pinansin ni Meme Vice.”
Wala pa namang reaksyon si Juliana hinggil sa patutsada sa kanya ni Ate Dick.
Related Chika:
Juliana Parizcova Segovia may bwelta sa kasamahang sasampalin daw siya: Tuparin mo po yan!
Ate Dick bumuwelta kay Valentine Rosales: Tama na, kadiri ka na!
Miss Q&A 2018 Juliana Parizcova mababayaran na ang P300k utang dahil sa pag-aambagan ng netizens
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.