Miss Q&A 2018 Juliana Parizcova mababayaran na ang P300k utang dahil sa pag-aambagan ng netizens | Bandera

Miss Q&A 2018 Juliana Parizcova mababayaran na ang P300k utang dahil sa pag-aambagan ng netizens

Ervin Santiago - March 28, 2022 - 02:24 PM

Juliana Parizcova Segovia

Juliana Parizcova Segovia

ANG bongga-bongga ni Miss Q&A 2018 winner Juliana Parizcova Segovia dahil mukhang mase-settle na ang kontrobersyal na utang niya na nagkakahalaga na P300,000.

Ito’y matapos ngang magtulung-tulong ang kanyang supporters at mga followers niya sa social media para makalikom at mabu ang P300k.

Naging hot topic sa socmed ang Facebook post ni Juliana nitong nakaraang Huwebes, March 24,  kung saan inalmahan niya ang ginawang pagma-Marites ng isang dating kaibigan tungkol sa utang niya.

Napilitang mag-react ang Kapamilya comedian nang i-post  ng dati niyang kaibigan ang screenshot ng palitan nila noon ng mensahe sa FB messenger.

Dito makikita na isa-isang pinangalanan ni Juliana ang mga taong pinagkakautangan na kanyang nilapitan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Sabi ni Juliana, “Lahat naman ay apektado noong kasagsagan ng pandemya lalo na pagdating sa pinansiyal na usapin.

“Hindi ko po ikinahihiya na simula noong pandemic, ang akin pong pamilya ay nabaon sa utang dahil sa kawalan ng pinagkukuhanan ng panggastos bunga ng kawalan ng trabaho; kasabay po nito ay hindi ko rin masingil ang mga taong nagkakautang din sa akin dahil pare-parehas po tayo ng pinagdadaanan

“Ikinahihiya ko po ba ang yugto ng buhay kong ito? Hindi po. Alam kong halos lahat, kundi man lahat ay tunay na pinadapa ng pandemya,” mensahe pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Parizcova Segovia (@juliana_parizcova)


Ngunit ang talagang ikinagalit ni Juliana ay nang madamay na ang kanyang ina, “Gayunpaman, kalabisan na siguro na hindi man lamang binura ang pangalan ng aking ina at kanyang personal na numero ng telepono.

“At ngayon ay hindi pinatatahimik ng mga kaugali ng nagpost laban sa akin; hindi lamang traydor kundi walang modong piniling ipaalipusta ang malungkot na bahagi ng buhay ng isang tao at lapastanganin ang kanyang ina, para lamang makaganti, dahil hindi kayang tapatan ng content ang content ng kaibigang minsang naging mabuting tao sa kanila at nagkataon lamang na magkaiba ang pulitikal na desisyon.

“Ako po ay nagtatrabaho, ako po ay Pilipino, may Kalayaan at Karapatan at hindi kayang sirain ng mga hakbang ng mga taong matagal nang sinira ang kanilang saarili, sa ngalan ng inggit, galit at kawalan ng batong maipukol sa gusto nilang masaktan,” paliwanag pa ni Juliana.

Nilinaw din niya na hindi galing sa mga proyekto niya na may konek sa pagsuporta niya sa kandidatura nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte ng UniTeam Alliance ang ipinambayad niya sa kanyang mga pinagkakautangan.

“Ikinararangal ko pong hindi ang pagsama ko sa Uniteam ang dahilan kaya ako nakapagbayad sa iilan, hindi ko rin idedeny at alam ito ng Viva, na ang sweldo ko po sa mga pelikula ay derechong nakabawas sa lahat ng mga ito,” aniya.

Samantala, nang mabasa ng writer na si Krizette Laureta Chu ang nangyari kay Juliana, agad siyang nagsimula ng fund-raising activity sa Facebook.

At makalipas lamang ang ilang oras, lagpas na sa P300K ang nalikom para kay Juliana, “Sobrang salamat po talaga sa inyong lahat… kung dumating man ang araw na ako naman ang may kapasidad na makatulong asahan po ninyo na ibabalik ko ang kabutihang ginawa ninyo sa akin.”

https://bandera.inquirer.net/285527/miss-qa-juliana-parizcova-hinampas-ng-trophy-sa-ulo-kontra-sa-pagsali-ng-trans-sa-miss-u-2

https://bandera.inquirer.net/309090/juliana-parizcova-segovia-pumalag-sa-kumakalat-na-post-na-ukol-sa-utang-niyang-p300k-hindi-ko-po-ikinakahiya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/309090/juliana-parizcova-segovia-pumalag-sa-kumakalat-na-post-na-ukol-sa-utang-niyang-p300k-hindi-ko-po-ikinakahiya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending