Wil Dasovich naka-move on na nga ba kay Alodia, may bago na ring dyowa? | Bandera

Wil Dasovich naka-move on na nga ba kay Alodia, may bago na ring dyowa?

Therese Arceo |April 26,2022
facebook
share this

Wil Dasovich naka-move on na nga ba kay Alodia, may bago na ring dyowa?

Therese Arceo - April 26, 2022 - 05:49 PM

Wil Dasovich naka-move on na nga ba kay Alodia, may bago na ring dyowa?

NAKA-MOVE on na nga rin ba ang social media influencer at vlogger na si Wil Dasovich mula sa nagtapos nilang relasyon ng cosplayer at entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao?

Ito ang tanong ng mga netizens matapos may makakita ng Instagram stories ng binata kung saan kasama niya ang aktres na si Carla Humphries o Madeleine Humphries sa totoong buhay.

Ang Instagram story ni Wil ay larawan ni Carla habang nagtitimpla ng kape sa kusina.

Samantala, may mga Instagram stories rin ang dating aktres kung saan makikita ang binata.

Marami tuloy sa mga “Marites” ang tila curious kung ito na nga ba ang bagong nagpapatibok ng puso ni Wil matapos ang trending hiwalayan nila ni Alodia.

“Lezzgo #TeamWarLa!! Comeback is real. For the new fans, Ms. Humphries became a consistent guest in Wil’s vlog in 2017. They already knew each other before 207 but their Malaysia trip together was the catalyst that brought them closer. Team Warla, magsilabasan na!!!!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “There’s no right person. It depends if they wanna be right for you or nit. You deserve to be happy, Wil. Wishing you happiness.”

“Very bagay! Love her,” sey naman ng isa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich)

 

May nagsabi rin na mag-best friends lang sina Wil at Carla.

“Hoy bff nya yan si Carla! Kung napapanood nyo pa dati vlogs ni Wil,” sabi ng netizen.

Wala namang pahayag ang vlogger ukol sa kumakalat na chika sa social media.

Samantala, nag-trending rin kamakailan ang ex-girlfriend niyang si Alodia matapos itong mag-post ng larawan kasama ang isang lalaki na kuha sa El Nido, Palawan.

Wala ring kumpirmasyon kung ano ang papel ng lalaki na nakilalang si Christopher Quimbo ngunit mukhang ito na nga ang ipinalit ng dalaga kay Wil kung ang pagbabasehan ay mga comments ng malalapit niyang kaibigan.

Bukas naman ang Bandera sakaling naising magsalita nina Alodia at Wil ukol sa chika patungkol sa kanilang relasyon sa mga kasama nilang sina Christopher at Carla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Alodia sa pakikipagbalikan kay Wil: Nakailang comeback na kasi, ‘pag hindi talaga, not meant to be

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending