True ba, may samaan ng loob sina Rita Daniela at Ken Chan kaya binuwag ng GMA ang RitKen loveteam? | Bandera

True ba, may samaan ng loob sina Rita Daniela at Ken Chan kaya binuwag ng GMA ang RitKen loveteam?

Ervin Santiago |April 24,2022
facebook
share this

True ba, may samaan ng loob sina Rita Daniela at Ken Chan kaya binuwag ng GMA ang RitKen loveteam?

Ervin Santiago - April 24, 2022 - 06:41 AM

Rita Daniela at Ken Chan

MAGKAAWAY o may matinding tampuhan nga ba ngayon ang dating magka-loveteam at special friends na sina Ken Chan at Rita Daniela?

May mga naglalabasan kasing chika na kaya hindi na binigyan ng bagong project together ang long-time onscreen partners ng GMA 7 ay dahil hindi sila okay.

Matatandang huling nagkasama ang tambalang RitKen sa Kapuso afternoon drama series na “Ang Dalawang Ikaw” noong 2021.

Actually, marami ang nagtaka kung bakit hindi na ito nasundan hanggang sa i-partner na si Ken kay Bianca Umali sa romcom series na “Mano Po Legacy: Her Big Boss.”

Kaya naman ang naglalabasang tsismis ngayon ay may samaan ng loob sina Ken at Rita na nilinaw naman ng Kapuso actor-singer sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan)


Ayon sa binata, “proud and happy” sila ni Rita para sa isa’t isa kahit na hindi na sila ang magka-loveteam ngayon at may kanya-kanya na ngang project sa GMA.

Paliwanag ni Ken, “We’re very happy para sa isa’t isa. Gusto ko lang po linawin na kasi may mga tao po talaga, may mga fans namin na akala magkaaway kami ni Rita.

“Akala nila nagtatampuhan kami dahil may kanya-kanya kaming mga projects na ginagawa, no, it’s not true.

“Ngayon ko lang po sasabihin na talagang kami po ni Rita ay sobrang proud sa isa’t isa. We’re happy for each other at alam naman po namin ni Rita talaga na bago pa namin gawin Ang Dalawang Ikaw na teleserye po namin, sinabihan po kami ng GMA na baka iyon na po ang maging last na teleserye namin.

“I think they have given us enough time para magkasama sa maraming projects at sobrang blessed kami ni Rita dahil marami kaming proyektong nagawa.

“And talagang naging very successful because also na rin sa suporta ng mga supporters po namin, ng mga fans po namin,” lahad ni Ken.

Sey pa ng aktor, matagal na nilang alam na nila ni Rita na pansamantala muna silang paghihiwalayin ng GMA para mabigyan ng chance na makagawa ng projects with other Kapuso artists.

“Gusto rin po kasi ng GMA na makatrabaho namin ang iba’t ibang actors pa, na hindi lang kami limitahan ni Rita sa mga gagawin naming projects, na hindi kami malimitahan ni Rita sa mga aktor na posible na makatrabaho namin in the future.

“Naiintindihan naman po namin ang rason ng GMA. Kami naman po ni Rita sobrang nagpapasalamat kami sa isa’t isa because talagang nagtulungan po kami para matupad ‘yung ilan sa mga pangarap namin,” paglilinaw pa ni Ken.

Maayos at wala raw issue sa pagitan nila ni Rita tulad ng naglalabasang chika, “Ngayon nag-uusap kami, siya sobrang happy siya para sa akin and I’m also happy for her. Sabi nga niya, sana balang araw ay magkaroon pa rin kami ng projects na dalawa.

“At iyon din naman ang ipinagdarasal ko. Alam ko at nararamdaman ko rin naman na in the future magkakaroon ulit kami ng pagsasamahang project ni Rita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Maganda ang relationship namin ni Rita kahit na hindi kami magkasama sa mga projects. Mas lumalim ‘yung relationship namin at turingan namin sa isa’t isa. I love her,” lahad pa ni Ken Chan.

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

‘Grabe si Ken Chan, ikaw na talaga! Nangangamoy best actor na naman!’

Ken sa bagong adbokaserye: Ipakikita namin ang tunay na pinagdaraanan ng taong may DID

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending