Neri Miranda nagtapos na ng kolehiyo, may kwelang graduation picture | Bandera

Neri Miranda nagtapos na ng kolehiyo, may kwelang graduation picture

Therese Arceo |April 23,2022
facebook
share this

Neri Miranda nagtapos na ng kolehiyo, may kwelang graduation picture

Therese Arceo - April 23, 2022 - 06:40 PM

Neri Miranda nagtapos na ng kolehiyo, may kwelang graduation picture
ISA na namang achievement ang nakamit ng celebrity mom at entrepreneur na si Neri Miranda matapos niyang ibahagi ang kanyang graduation photo.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ng asawa ni Chito Miranda ang magandang balita sa madlang pipol.

“Finally,” caption ni Neri sa kanyang post.

Kursong Business Administration sa ilalim bg Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ang kinuha ng celebrity mom noong March 2021 sa University of Baguio.

Ang ETEEAP ay isang alternative education program para sa mga working professionals na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang hindi na dumadaan sa tradisyunal na proseso.

Bukod naman sa kanyang bagong achievement ay naaliw rin ang madlang pipol sa kanyang graduation picture kung saan naging photobomber ang kanyang asawang si Chito Miranda.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

 

“Congrats atsi @mrsnerimiranda insert proud hubby at the back @chitomirandajr,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isang kaibigan ni Neri, “Congratulations Ners!!!! I’m do so so proud of you alam mo yan. Sasama talaga ako sa graduation mo ha. Nilagay ko na sa calendar ko.”

Hirit pa ng isa, “Kahanga hanga, wais na misis. Ginalingan mo na naman. See u next week.”

Bumati rin sina Kris Aquino, Mariel Rodriguez, Camille Prats, at syempre ang asawa nitong si Chito.

“Congrats, Ms.Neri!!!” sabi ni Chito na nireplyan naman ng momtrepreneur ng “i love you!”

Nakatakda namang magmartsa si Neri sa susunod na buwan base na rin sa announcement sa Facebook page ng unibersidad nitong Miyerkules, April 20.

Bago pa man niya matapos ang business administration course sa University of Baguio ay nauna na siyang magtapos sa kursong entrepreneurship sa Harvard Business School Online.

 

Related Chika:
Hugot ni Neri para kay Chito: Wala talagang bilib ‘tong asawa ko sa akin, kontra bulate na naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Neri may nakakalokang kuwento nang mag-dinner date sila ng asawa: Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga!

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending