Regine aminadong nagbago na ang timbre ng boses: Ang weird naman kung 50 ka na tapos ganu’n pa rin
TANGGAP na ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang pagbabago sa timbre at hagod ng kanyang boses sa edad niya ngayon.
Ayon sa OPM at gay icon, hindi na siya nagwo-worry o naaapektuhan kapag sinasabi ng mga tao na hindi na kasingtaas o kasing-powerful ang boses niya kung ikukumpara noong kabataan niya.
Paliwanag ni Regine, wala naman daw siyang magagawa sa mga nangyayaring pagbabago sa kanyang katawan (hormonal changes ng body), at lalong hindi niya kontrolado ang pagtanda niya.
“You know when you are a woman, there are so many things changing in your body. ‘Yung mga hormones, it affects your voice,” paliwanag ng Songbird sa isang panayam.
View this post on Instagram
Inamin din niya na totoong may effort na on her part kapag nagpe-perform siya nang live dahil kumpara noong kabataan niya na talagang medyo effortless.
“Nu’ng bata ako, parang kahit tulog ako, kaya ko kumanta. It’s not like that anymore.
“But it’s okay because now that I actually feel ‘yung medyo may konting difficulties at singing, mas actually naa-appreciate ko siya only because nga may konting effort na. May effort na, dati kasi wala eh,” chika pa ng misis ng TV host-actor at Ultimate Songwriter na si Ogie Alcasid.
Sey pa ni Regine about her voice, “It doesn’t sound the same. I am okay with that kasi ang weird naman kung 50 years old na tapos (ang tinis) pa rin. Ang weird, eh.”
Related Chika:
Vice naiyak sa ‘It’s Showtime’; may hugot sa ‘pagbabago’
Gigi de Lana hindi naniniwala sa pag-inom ng salabat para maalagaan ang boses
Korina kay Bea: Ngayong nakalipat ka na, does it feel weird to be in GMA 7?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.