Vice Ganda nilibre ang 'Showtime' family, nagbigay ng P1k tip sa waiter | Bandera

Vice Ganda nilibre ang ‘Showtime’ family, nagbigay ng P1k tip sa waiter

Therese Arceo |April 20,2022
facebook
share this

Vice Ganda nilibre ang ‘Showtime’ family, nagbigay ng P1k tip sa waiter

Therese Arceo - April 20, 2022 - 03:43 PM

Vice Ganda nilibre ang 'Showtime' family, nagbigay ng P1k tip sa waiter

IPINAMALAS ng Unkabogable star na si Vice Ganda ang pagmamahal niya sa kanyang “It’s Showtime” family nang ilibre niya ang mga ito ng meryenda matapos ang kanilang noontime show.

Ang naturang treat ni Meme ay ibinahagi ng kanyang kaibigan at co-host na si Kim Chiu sa Instagram story nito.

Kasama nila Kim at Vice sa pagmemeryenda sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, at Ryan Bang.

“Ayan! Iba talaga si Mama!” saad ni Kim na kakatapos lang mag-celebrate ng kanyang 32nd birthday.

“Ma, harap ka naman!” muling sabi nito kaya naman napaharap sa camera si Vice.

Maririnig rin ang pagpapasalamat ng isa sa video na mukhang si Ryan Bang.

Bukod sa panlilibre sa mga kaibigan ay hindi naman nakalimutan ng Unkabogable star na mag-extend ng pagmamahal sa waiter na umalalay sa kanila sa restaurant.

“Tip, one thousand, big time,” sey pa ni Vice.

“Grabe. Grabe,” hirit pa ni Kim.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

 

Hindi naman na bago ang kwento ng pagiging generous ni Vice Ganda sa kanyang mga kaibigan dahil kahit sa mga vlogs nito ay makikita kung gaano niya ka-love ang mga friends niya lalo na ang mga beks.

Samantala, nag-trending si Meme matapos nitong ikuwento ang kanyang yaman-yamanan experience sa Singapore kung saan labis niyang ikinahiya.

Pagkukwento niya, gusto niyang ma-experience ang maging alta kaya naman nang dumating sila sa airport ay isang Rolls Royce na sasakyan ang sumundo sa kanila ng partner na si Ion Perez papunta sa bonggang hotel na binook nila.

Nang makarating sa hotel ay agad na nagpunta si Vice sa reception para sa confirmation ng kanilang booking.

Sa kasamaang palad ay hindi lumalabas ang mga pangalan na sinabi niya kung kanino naka-under ang booking at huli na nang malaman niya na iba pa lang hotel ang na-book nila kaya labis ang hiya niya nang sabihin ito sa kanya st yukong-yuko na naglakad paalis ng hotel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jugs Jugueta pinagtanggol si Vice Ganda; Lolit Solis sumagot

Vice Ganda, Ion Perez ‘nagpakasal’ na sa Las Vegas, may pangako para sa isa’t isa

Vice hiyang-hiya nang mag-check in sa isang hotel sa Singapore: Nagpaandar kami, may yaman-yamanan moments, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending