Vice hiyang-hiya nang mag-check in sa isang hotel sa Singapore: Nagpaandar kami, may yaman-yamanan moments, pero... | Bandera

Vice hiyang-hiya nang mag-check in sa isang hotel sa Singapore: Nagpaandar kami, may yaman-yamanan moments, pero…

Ervin Santiago |April 18,2022
facebook
share this

Vice hiyang-hiya nang mag-check in sa isang hotel sa Singapore: Nagpaandar kami, may yaman-yamanan moments, pero…

Ervin Santiago - April 18, 2022 - 05:13 PM

Vice Ganda at Ion Perez

HIYANG-HIYA ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda nang mag-check-in sila ng karelasyong si Ion Perez sa isang sosyal na hotel sa Singapore.

Naichika ito ng TV host-comedian sa episode ng “It’s Showtime” kaninang tanghali kung saan isa-isang nagkuwento ang mga host tungkol sa mga lugar na pinuntahan nila nitong nagdaang Holy Week.

Sabi nga ni Vice, sa Singapore siya nagpunta kasama si Ion para  magbakasyon nang ilang araw. Sa Singapore rin nagtungo si Vhong Navarro kasama ang pamilya nito.

Nagtika at nagliwaliw naman sa Balesin si Ogie Alcasid kasama ang misis na si Regine Velasquez at ang kanilang mga anak.

Excited namang nagkuwento si Kim Chiu tungkol sa pagbabakasyon niya sa isang isla sa Thailand habang naglaro lang daw ng golf sa Clark si Ryan Bang.

Sa El Nido, Palawan naman naisipang magtungo ng pamilya ni Teddy Corpuz, habang lumipad naman patungong Malaysia si Jugs Jugueta kasama ang kanyang misis nitong Semana Santa.

At kasunod nga nito, tawa nang tawang ikinuwento ni Vice ang naging karanasan nila ni Ion sa isang hotel sa Singapore.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


“Nagpaandar kami, may yaman-yamanan moments. Paglabas namin ng airport may sumusundo sa aming Rolls-Royce. Rolls-Royce kaming dalawa ni Ion.

“Tapos inihatid na kami sa hotel, pangmayaman ‘yung hotel. And then, check-in na kami,” simulang chika ng Kapamilya TV host-comedian.

“Tapos (sa front desk), may papel nga pala ako ‘yung reservation. ‘Here’s my reservation’, ‘Oh I’m sorry Ma’am this is not your hotel.’

“Hiyang-hiya ako. Pagtingin ko ibang pangalan nga nu’ng hotel, pero ‘yun ang gusto naming puntahan pero mali ang napag-book-an sa amin.

“So ibang hotel. So hiyang-hiyang ako kinuha namin ‘yung bagahe tapos tinatakpan ko ang mukha ko.

“Paglabas namin ng hotel, wala na ‘yung Rolls-Royce. Tapos tinanong namin, ‘where’s this hotel?’ ‘Over there.’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nasa gitna pala siya ng lake, tatawid ako ng lake tapos katapat lang nu’ng hotel. Alam mo naglalakad kami sa init talaga, hiyang-hiya kami,” ang super halakhak pang kuwento ni Vice.

Sanya hiyang-hiya sa mga natatanggap na papuri: Marami pa akong dapat patunayan

2 Pinoy designers ang gumawa ng national costume ni Miss Singapore Bernadette Belle Ong

Wax figure ni Catriona Gray sa Madame Tussauds Singapore ibinandera na: Kiliiiig akoooo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending