Zanjoe bisi-bisihan kapag nagmu-move on, ayaw magsolo: Babalik at babalik yun kapag mag-isa ka na lang... | Bandera

Zanjoe bisi-bisihan kapag nagmu-move on, ayaw magsolo: Babalik at babalik yun kapag mag-isa ka na lang…

Ervin Santiago - April 18, 2022 - 07:24 AM

Zanjoe Marudo at Bela Padilla

HANGGA’T maaari ay ayaw mapag-isa ni Zanjoe Marudo kapag nasa proseso siya ng pagmu-move on pagkatapos ng isang breakup.

Isa si Zanjoe sa cast members ng bagong hugot at tragedy movie ng Viva Films, ang “366” kasama sina JC Santos at Bela Padilla na siya ring sumulat at nagdirek ng nasabing movie.

Tungkol sa isyu ng breakup at moving on ang kuwento ng “366” kaya natanong si Zanjoe sa virtual mediacon ng movie kung ano ang ginagawa niya kapag nagmu-move on sa nawasak na relasyon.

Ipinagdiinan ng aktor na ayaw niyang mag-isa o magsolo kapag nass proseso niya ng pagmu-move on dahil feeling niya mas mahihirapan at magtatagal ang sakit ng hiwalayan.

“Mas gusto ko na may kasama. Gagawin ko yung mga hobbies ko. Maglalaro ako ng golf para mas ma-clear yung utak and saka ko siya haharapin siguro kapag medyo gumaan-gaan na, katulong siyempre ng mga friends.

“Ginagawa kong busy ang sarili ko. Ginagawa ko ang mga gusto kong gawin, kailangan mong maramdaman. Kailangan mong ubusin sa katawan mo.

“Hindi puwedeng nandiyan lang siya. Babalik at babalik yon kapag mag-isa ka na lang or may nag-trigger. Kailangang malagpasan mo yon,” dire-diretsong pahayag ng Kapamilya actor.

Samantala, inamin ni Zanjoe na big challenge para sa kanya ang makipagsabayan ng aktingan kina JC at Bela na solid na solid na ang tambalan sa pelikula.

Napatunayan na kasi ng dalawa ang kanilang chemistry at magic sa mga pelikulang “100 Tula Para Kay Stella”, “The Day After Valentine’s” at “On Vodka, Beers and Regrets.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo)


Nakasama naman ni Zanjoe si Bela sa Kapamilya TV series na “My Dear Heart” noong 2017 at feeling naman niya, effective rin ang tambalan nila on screen.

“Ang naging challenge siguro sa akin dito sa paggawa ng character ni Marco sa 366, siyempre papasok ako sa isang project na makakasama ko ang established na tandem, sina JC at Bela.

“Ang dami na nilang nagawa at napatunayan sa mga pelikula nilang ginagawa. Yon ang gusto ko namang gawin ngayon, yung mga projects na may mga challenge.

“Kung paano magwo-work ang character ni Marco. Kasi importante yon. Importante na mag-work siya para mabuo yung buong istorya and siyempre, bilang established na nga ang tandem nina JC at Bela, kailangan kong sabayan.

“Kailangan kong sumabay para maging maganda ang palabas and thankful naman ako dahil sa guidance ni Direk Bela sa akin at sa buong team ng 366, naging masaya ang pagbuo ng pelikula,” lahad ni Zanjoe.

“Yung chemistry kasi, sa tingin ko, para sa akin nando’n lang yon. Kumbaga, hindi mo kailangang sadyain, hindi mo kailangang mag-effort para lang magkaroon ng chemistry or kiligin ang audience sa mga ginagawa n’yong eksena.  Siguro, well, suwerte ka talaga kapag alam mong bagay yung dalawang tao sa screen.

“Nag-work siya, siguro dahil bilang mabuti kaming magkaibigan at wala naman kaming galit sa isa’t isa sa mga nangyari sa amin. Mas nag-work siya kasi mas nagko-collaborate kami.

“At makikita mo ang set namin, walang sumisigaw, napaka-kalmado. Ang sarap lang na parang belong ka ro’n sa group na puro artists, matatalino, very creative.

“Nakakatuwa na naging part ako ng first film na ito ni Bela. Magaan siyang katrabaho and alam niya kung ano ang gusto niya.

“Alam niya kung ano ang kailangan niya. Siyempre, meron siyang mga tinatanong din, pero hindi dahil sa may nag-advise, gagawin niya. Siya, kung ano talaga ang pinaniniwalaan niya, yon talaga ang gagawin niya kaya nakakabilib,” pahayag pa ni Zanjoe.

https://bandera.inquirer.net/293703/zanjoe-15-years-na-sa-showbiz-ang-tagal-na-pala-mahal-na-mahal-ko-yung-ginagawa-ko

https://bandera.inquirer.net/302703/zanjoe-sa-mga-cheater-itutuloy-mo-ba-o-iisipin-mo-yung-mga-taong-masasaktan-at-matatapakan-mo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/295377/zanjoe-habang-nagte-taping-ng-serye-para-kayong-namboboso-ganun-yung-naramdaman-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending