Ivana Alawi sa pakikipagtrabaho kina Gerald Anderson at Sam Milby: Kinakabahan ako kasi... | Bandera

Ivana Alawi sa pakikipagtrabaho kina Gerald Anderson at Sam Milby: Kinakabahan ako kasi…

Therese Arceo |April 16,2022
facebook
share this

Ivana Alawi sa pakikipagtrabaho kina Gerald Anderson at Sam Milby: Kinakabahan ako kasi…

Therese Arceo - April 16, 2022 - 11:26 PM

Ivana Alawi sa pakikipagtrabaho kina Gerald Anderson at Sam Milby: Kinakabahan ako kasi...

AMINADO ang Kapamilya actress at vlogger na si Ivana Alawi na kinakabahan siyang makatrabaho ang kapwa Kapamilya stars na sina Gerald Anderson at Sam Milby.

Kasama kasi ng dalaga ang dalawang heartthrob mula sa Mother Ignacia sa kaniyang upcoming series na “A Family Affair”.

Base sa naging interview ni MJ Felipe kay Ivana na ipinalabas sa “TV Patrol” ay inilahad ng aktres na bagamat excited siya ay nakakaramdam siya ng nerbyos sa kanyang mga katrabaho.

“I was very excited especially [with] the whole cast. [Pero] pagpasok ko, natatakot ako. Kinakabahan ako kasi Gerald and Sam, mga pinapanood ko lang iyan noong bata ako!” saad niya habang tumatawa.

Dagdag niya, “Tapos, syempre, excited to work with Jake (Ejercito) and Jameson.”

Pagkukwento niya, masayang makipagtrabaho sa kanyang mga co-actors sapagkat lahat ng mga ito sy supportive.

“While I was working with them, it was really fun kasi they were all so supportive, walang ilangan kasi they were very welcoming and they are very friendly,” chika ni Ivana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

Bukod sa na-enjoy niya ang pakikipagtrabaho sa mga kasama niya sa serye na-enjoy rin niya ang location kung saan sila nag-lock in taping.

Sey ni Ivana, ““Sobrang nag-enjoy ako noong first cycle kasi first time kong makapunta ng Masbate. And yung mga experiences doon, yung horse riding, yung view, ang sarap sa feeling.

“Sobrang enjoy especially the company, yung production, the whole team, all the artists. Sobrang sayang kasama kasi parang bonding talaga, para lang kaming magbabarkada,” dagdag pa niya.

Ani Ivana, ang kanilang upcoming Kapamilya series na “A Family Affair” ay patungkol sa pagmamahal at mga sikretong nakakalason at nakakasira sa isang pamilya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Gerald, Sam magsasama sa seryeng ‘A Family Affair’, si Ivana pa rin ba ang leading lady?

Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali

Hugot ni Catriona ngayong b-day ni Sam: So sad I can’t be with you today

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending