Dani Barretto muling nakasama si Bela Padilla: My sister is back!
MASAYANG-MASAYA si Dani Barretto dahil muli niyang nakapiling ang isa sa mga malalapit niyang kaibigang si Bela Padilla.
Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi niya ang pagkikita nilang dalawa ng aktres at tila hindi sila mapaghiwalay sa higpit ng kanilang pagkakayakap.
“MY SISTER IS BACK!” saad ni Dani.
Ngunit tila sasaglit lang si Bela sa bansa base na rin sa sinabi ng ina ni Millie.
“Not for good, but I will enjoy this. I missed you so much @bela. Time to make up for the lost time,” dagdag pa ni Dani.
May IG story rin si Bela ng kanilang larawan ng kaibigan.
Sey niya, “Love you Dani and Xavi! So good to finally see you guys again!”
Matatandaang kasalukuyang namamalagi sa UK ang aktres kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Norman Bay.
Isa rin si Dani sa naghatid kay Bela sa airport noong lumipad ito pa-ibang bansa.
“Go and be happy, my Bely. I know I look like a wreck but I am so happy and excited for you. No goodbyes, just see you soon.
“I love you so much!! Facetime all the time, okay? I love you! I love youuuuu @bela !!!” saad ni Dani sa kanyang Instagram post noong July 2021.
View this post on Instagram
Panandaliang umuwi lang ito para i-promote ang kanyang pelikulang “366” kung saan makakasama niya ang mga naging leading man niya noon na sina Zanjoe Marudo at JC Santos.
Ito rin ang kauna-unahang pelikula ni Bela jung saan siya rin mismo ang tumatayong direktor.
Matatandaang ibinahagi noon ng aktres na si Liza Soberano ang talagang nais niyang bumida para sa naturang pelikula ngunit dahil sa hindi magtugmang schedule at dahil sa nangyaring COVID-19 pandemic ay nagbago ang kanilang plano at siya na nga mismong ang gumanap sa female lead role na si “June”.
Related Chika:
Kim, Dani nilaglag si Bela; totoo nga bang naging dyowa si Zanjoe?
Asawa ni Dani Barretto may bwelta sa mga bashers: ‘Nobody can break a happy home’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.