Jericho Rosales nominado bilang best actor sa NewFilmmakers Los Angeles Awards
ISA na namang karangalan para sa Philippine cinema ang nominasyon ni Jericho Rosales bilang Best Actor sa NewFilmmakers Los Angeles (NFMLA) para sa kanyang 2019 short film na “Basurero”.
Ibinahagi ng aktor ang magandang balita sa kanyang Instagram account.
“Our short film BASURERO gets nominated for BEST INTERNATIONAL DRAMA and kulot gets a BEST ACTOR nomination at the NFMLA 2022 in Los Angeles,” saad ni Jericho.
Dagdag pa niya, “This little jeepney made it to Hollywood. Cheers team!”
View this post on Instagram
Bukod sa kanyang nomination bilang Best Actor ay nakatanggap rin ang “Basurero” ng nominasyon bilang Best International Drama.
Binati naman si Jericho ng napakaraming netizens pati na rin ng mga kasama sa industriya para sa bagong milestone niya going Hollywood.
“Congratulations,” saad ni Bela Padilla.
Sey naman ni Yam Concepcion, “Yey! Congrats!”
“Congratulations anak,” bati ni Amy Austria.
Gumanap si Jericho sa short film na “Basurero” bilang isang mangingisda na para kumita ng pera ay nagtatapon ng katawan ng mga drug war victims sa karagatan.
Unang lumabas ang short film sa 24th Busan International Film Festival sa South Korea noong 2019 sa direksyon ni Eileen Cabiling at produced by Darlene Catly Malimas, Jose C. Mangual, Eva Husson at Sascha Brown Rice.
Ang NewFilmmakers Los Angeles (NFMLA) ay isang nonprofit organization na sumusuporta sa mga emerging artists at filmmakers sa buong mundo sa pamamagitan ng monthly screenings at events sa Los Angeles.
Samantala, nasa New York naman si Jericho kasama ang asawang si Kim Jones at abala sa kanyang acting workshop.
Nakatakda siyang bumida sa international series na ‘Sellblock’ kung saan makakasama niya sina Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Ronnie Lazaro, Rosanna Roces, Mon Confiado at RK Bagatsing.
Related Chika:
Jericho Rosales ibinandera ang bagong bahay sa New York: Anong oras dadaan ang taho?
Jericho sumabak pa rin sa acting workshop sa New York kahit ‘best actor’ na sa Pinas
Jericho sasabak sa matinding training para sa international prison action series na ‘Sellblock’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.