Madam Inutz nakatanggap ng P137k matapos mag-viral sa socmed | Bandera

Madam Inutz nakatanggap ng P137k matapos mag-viral sa socmed

Therese Arceo - April 08, 2022 - 03:44 PM

Madam Inutz nakatanggap ng P137k matapos mag-viral sa socmed

MULING binalikan ni Madam Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay ang kanyang naging unforgettable experience bilang isang online live seller.

Bago pa man niya pasukin ang pinakasikat na bahay sa Pilipinas ay una muna itong nakilala nang mag-viral siya sa social media sa paraan ng kanyang pagla-live selling.

Marami kasi ang naaliw sa paraan ng pagbebenta ni Madam Inutz sa kanyang mga panindang damit na abot kaya ang presyo.

At nang tuluyan na siyang mag-viral ay mas marami pa ang nanonood sa kanyang live para tumambay at hindi para bumili ng kanyang paninda.

“Hindi ko nga po alam na yung way ng pagsasalita ko, marami palang natutuwa. Pero hindi nila alam ako’y di natutuwa kasi wala akong benta” natatawang kwento ni Madam Inutz nang mag-guest siya sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay”.

Aniya, puro na lang raw pa-shoutout ang mga natatanggap niya sa comment section at wala nang bumibili ng kanyang paninda.

“Walang mine. Puro pamura lang talaga,” pag-alala ni Madam Inutz noong kasagsagan ng pagka-viral niya sa social media.

Sobrang nakaka-entertain rin kasi talaga ang paraan ng pagpepresinta ng social media personality kaya hindi kataka-takang marami ang nawiling manood sa kanya.

Sa halip nga na maimbyerna ang iba dahil may mga pagmumura sa live ni Madam Inutz ay mas lalo pa nila itong nagustuhan.

Nang minsang pansinin niya ang mga tambay sa kanyang live habang nagtitinda, may mga netizens ang nag-comment at nagsabi na huwag na raw siyang mag-live selling at i-pin na lang nito ang kanyang GCash number.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Madam Inutz (@daisyinutz)

“Sinasabi nila, andami kong nakikitang comment na, ‘Madam, huwag ka nang magtinda, i-pin mo na lang yung Gcash number,” kwento ni Madam Inutz.

May mga viewers daw kasi na nais siyang padalhan ng pera pero hindi siya pumayag.

“And then, siyempre ako naman as a naghahanapbuhay, ayoko nang umasa sa ibang tao, na aasa ka sa mga bigay. Paghirapan mo bawat sentimo.

“Tapos ang ginawa ng pamangkin ko, siyempre nakita niya ilang oras ako nagla-live wala talaga akong benta. Pinin niya yung Gcash,” pagpapatuloy ni Madam Inutz.

Laking gulat na lang daw nila kinabukasan nang makita ang laman ng kanyang e-wallet.

“And then kinabukasan, paggising ko, umabot ng PHP137,000 yung Gcash,” sey ni Madam Inutz.

Nagmula ito sa mga pinagsama-samang bigay ng netizens na napasaya niya sa kanyang Facebook live.

Matapos siyang mapansin ng online world ay nagsimula na rin siyang pasukin ang mundo ng vlogging at pag-aartista.

Sa katunayan, matapos ang kanyang paglabas sa “Pinoy Big Brother” house ay nagkaroon agad ng project ang MAMAbentang online seller ng Cavite.

Bahagi siya ng Kapamilya sitcom na “My Papa Pi” na pagbibidahan nina Piolo Pascual at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil

Piolo, Angelica, Madam Inutz bibida sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’

Madam Inutz pasabog ang rebelasyon matapos ang ‘PBB’ 3rd nomination night

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending