Piolo, Angelica, Madam Inutz bibida sa bagong comedy show na 'My Papa Pi' | Bandera

Piolo, Angelica, Madam Inutz bibida sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’

Reggee Bonoan |February 08,2022
facebook
share this

Piolo, Angelica, Madam Inutz bibida sa bagong comedy show na ‘My Papa Pi’

Reggee Bonoan - February 08, 2022 - 07:00 PM

Madam Inutz, Angelica Panganiban at Piolo Pascual

SINO nga kaya ang unang nakaisip na tawaging Papa P ang Kapamilya actor at TV host na si Piolo Pascual? 

Naisip kasi namin, dapat bayaran siya ng royalty dahil binigyan niya ng ideya ang ABS-CBN na gawin itong titulo ng bagong weekly comedy show ng aktor na “My Papa Pi.”

Kasalukuyan nang nasa lock-in taping ang buong grupo na hindi binanggit kung saan. Makakasama rito ni Piolo sina Pepe Herrera, Madam Inutz, Anthony Jennings, Alora Sasam, Angelica Panganiban at marami pang iba.

Ang “My Papa Pi” ay mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina handog ng Star Creatives at kung walang pagbabago sa plano ay sa Marso na ito ipalalabas sa Kapamilya network.

O, baka isa ito sa magiging content ng Advance Media Broadcasting System (Channel 2) para mapanood sa free TV dahil kailangan nang mag-test broadcast ang nasabing network ng mga Villar.

Anyway, ang tarush ni Papa P dahil tatlo na ang shows niya, ang “Flower of Evil” nila ni Lovi Poe at nasa “Niña Niño” rin siya ng TV5 kasama sina Maja Salvador, Empoy Marquez at Noel Comia, Jr..

View this post on Instagram

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


* * *

Malaki ang ginhawa ng adult housemate na si  Roque Coting sa pagkakaligtas mula sa ginanap na double eviction sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition noong Sabado (Peb. 5) sa Kapamilya Channel.  

Nakakuha ang “Sales-Masikap Man ng Davao” ng 20.88% ng boto mula sa outside world, kaya naman mananatili pa siya sa bahay ni Kuya. 

Tuluyan namang natuldukan ang pamamalagi nina Andrei King at Thamara Alexandria sa “PBB” matapos makakuha ng pinakamababang combined votes to save and evict. Nakapagtala si Andrei ng 18.69% habang 9.36% ang nakuhang boto ni Thamara. 

Bago bumalik sa outside world, may pabaon naman si Kuya na inspirasyon sa dalawang evictees.  

“Naniniwala akong marami kang natutunan na bubuo sa iyong pagkatao. Ipinakita mo na ikaw ay tumayo bilang isang kapatid, kaibigan, at ikaw ay naging sandalan ng iyong mga kasama,” mensahe ni Kuya kay Thamara. 

Sabi naman ni Kuya kay Andrei, “Bilang isang dreamer, hindi maikakaila na ipinakita mo ang iyong determinasyon sa paghahabol ng iyong pangarap. Sa paglabas mo ng aking bahay, nawa’y dalhin at panatilihin mo ang iyong ipinakitang pagsisikap.” 

Nalagay naman sa alanganin sina Aleck Inigo, Basti Macaraan, Kathleen Agir, at Rica Kriemhild bilang mga nominado para sa ikalawang eviction night sa Sabado (Peb.12). 

Nakakuha si Aleck ng 13 puntos na sinundan nina Kathleen (11 puntos), Basti (4 puntos), at Rica (4 puntos). 

Bago maging nominado, umamin si Basti sa kanyang pagtingin kay Rica sa isang date. Inawit din ng “Ang Service Crewlit Bro ng Italy” ang kanyang sinulat na kanta para kay Rica. 

“I have a crush on you talaga, pero ayokong sabihin dahil alam ko na ang sagot and pagdating sa iba talo naman ako parati,” ani Basti na nagkuwento rin na nagkausap na sila ni Rica dati sa Instagram. 

Nagulat naman si Rica sa pag-amin ni Basti, “I’m so shocked, pero thank you, pero I really appreciate it kasi ‘di ba start pa lang kayo ni Kuya Jaye ang una kong nakita. Alam mo naman na parang I see you and Kuya Jaye as my brothers. I’m sorry, Basti. I just want to be honest with you talaga,” giit pa nito na tinaguriang “Ang Dolce Amore Daughter ng Italy.” 

Samantala, nakakuha naman sina Jaye Macaraan, Michael Ver Comaling, at Roque Coting ng immunity para sa nominasyon matapos manalo sa weekly challenge, habang pinili naman nina Isabel Laohoo at Nathan Juane na hindi gamitin ang kanilang immunity ngayong linggo. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano na naman kaya ang bagong hamon at pasabog ngayong buwan ng pag-ibig? Abangan sa “PBB Kumunity Season 10” Adult Edition sa Kapamilya Channel.

Piolo Pascual may bagong ‘baby’

Dream ni Maja na makasama si Piolo sa isang project, matutupad na!

Mygz Molino dumalaw sa puntod ni Mahal: Alam kong masaya ka na ngayon dahil kasama mo si Papa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending