Madam Inutz hindi kunsintidor, may patama ba kay Herlene Budol?

Madam Inutz hindi kunsintidor, may patama ba kay Herlene Budol?

Therese Arceo |December 22,2023
facebook
share this

Madam Inutz hindi kunsintidor, may patama ba kay Herlene Budol?

Therese Arceo - December 22, 2023 - 10:51 AM

Madam Inutz hindi kunsintidor, may patama ba kay Herlene Budol?

Madam Inutz, Herlene Budol, at Wilbert Tolentino

USAP-USAPAN ngayon ang panibagong Facebook post ng social media personality at dating “Pinoy Bog Brother” housemate na si Madam Inutz.

Isang cryptic post kasi ang ibinahagi nito sa kasagsagan ng isyung kinakaharap ng kaibigang si Herlene Budol na tila may “something” sa kanyang leading man sa “Magandang Dilag” na si Rob Gomez.

Nitong Miyerkules, December 20, nag-post si Madam ukol sa mga “kunsintidor” na kaibigan.

Aniya, “Kaya dumadami ang nag kakasala kasi [nandyan] si kunsintidor na kaibigan. Nagsasabing ‘ok lang yan. Tao ka lang.'”

Sey pa ni Madam Inutz, “‘Wag n’yo kong ibilang.”

Baka Bet Mo: Madam Inutz nalungkot sa sinapit ni Herlene Budol sa Miss Planet International

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May mga netizens ang agad na nakapansin sa post ng vlogger at kilalang live seller at naikonekta ito kay Herlene na sentro ng kontrobersiya ngayon.

Ang ilan ay nagsasabing sana ay huwag nang makisawsaw si Madam Inutz sa isyu at manahimik na lang kung talagang kaibigan ang turing niya kay Hipon Girl.

Baka Bet Mo: Madam Inutz muling nagreklamo sa sobrang taas ng bayarin sa kuryente, umabot sa P40k: ‘Hindi naman po ako sa Palasyo nakatira!’

“Kala ko ba kapatid.. Wag nlng sana sumawsaw.. Hindi nmn kukunsintihin. Bilang kaibigan tahimik k nlng sana at pwede mo syang pagsabihan..kasu nakikisawsaw e.. Anu yun,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Madam inutz Hnd mo nmn kukunsintihin tumahimik ka lang wag kang makisawsaw dhl kaibigan mo yan.hnd unh magpapapansin kapa ung baba na sya lalo mopa ibababa. Huwag lumaki ulo mo bka darating ung araw ikaw nmn ung nsa kalagayan nia.”

“Huwag ka na makisali sa issue. Di naman nakakatulong mga patama mo,” sey naman ng isa.

Matatandaang unang nagkakilala sina Madam Inutz at Herlene nang magsama sila sa vlog ni Wilbert Tolentino.

Kalaunan ay pareho na silang kinuha ni Wilbert para maging alaga at doon na naging mas malapit ang dalawa sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Madam Inutz umabot sa mahigit P32k ang bill sa kuryente: ‘Wala talaga akong karapatang magpahinga!’

Samantala, nauna nang maglabas ng statement si Herlene ukol sa kinasasangkutang isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, “Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho.
gagawan ka ng issue! Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako.

“Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending